Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Nora, Lotlot at Janine magsasama sa TV drama

Nora, Lotlot at Janine magsasama sa TV drama

janine gutierrez

DREAM come true kay Janine Gutierrez na makasama niya sa isang project ang kanyang Lola Nora Aunor at Mama Lotlot de Leon. Sa isang episode ng “Karelasyon” na mapapanood sa GMA7 ay magkakasama silang tatlo.

Ayon kay Janine, excited at kinabahan siya noong nag-taping sila. Multi-awarded actress ba naman kasi ang kanyang Lola Guy na first time niyang katrabaho, gayun din ang kanyang Mama Lotlot na nanalo na rin ng acting award.

For the longest time, hindi nagkita o nagkausap sina Lotlot at Guy. May tampong pururot diumano si Lotlot sa kanyang Mama Guy na tipong personal, ayon sa isang source. Matagal-tagal din niyang kinimkim ’yun and we assume na nagkaayos na silang mag-ina. Otherwise, hindi mabubuo ang proyekto na mapagsama sila.

Sana lang, magkaroon din ng TV series na magkakasama silang tatlo. Bitin kasi kung sa isang episode lang ng “Karelasyon” mapapanood sina Nora, Lotlot at Janine.

Kailan naman kaya magkakasama sa isang project sina Lotlot at Ramon Christopher? Maganda ring ideya kung kasama rin ang anak nilang si Janine.

enrique and liza

Damay sa pagsikat
Sana nga hindi magbago si Liza Soberano at hindi niya iwan ang manager niyang si Ogie Diaz ngayong sikat na siya. Huwag sanang gayahin ni Liza ang isang talent ni Ogie na nang sumikat ay na-echa-puwera na siya.

On her way to big stardom na si Liza at magtuluy-tuloy na sana ang pag-push sa kanyang career. Hindi lang ang teleseryeng “Forevermore” ni Liza ang nag-hit, pati pelikulang “Just the Way You Are” kung saan parehong si Enrique Gil ang leading man niya.

Damay sa pagsikat ni Liza si Enrique. Nagkaroon ng iba’t ibang ka-love team si Enrique, pero ang tambalan nila ni Liza ang nag-klik. Pwede na silang makipagsabayan sa Kathniel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) love team.

May mga komento kaming narinig na sana raw, hindi maging maarte si Liza at huwag magparetoke ng kanyang mukha’t katawan. Hindi na rin daw kailangan ni Liza ang mag-gluthatione dahil natural ang puti niya. Ikaw ba ‘yun, Kathryn? Huwag mapipikon!

Kilig-kiligan
Teenager pa lang si Sarah Geronimo ay crush na niya si Piolo Pascual. Kilig-kiligan siya kapag nagkikita sila sa ASAP. Turning 27 (or 28?) na si Sarah sa birthday niya next month, pero kilig-kiligan pa rin siya kay Piolo.

Dream come true na nakatrabaho niya si Piolo sa pelikulang “The Break Up Playlist“ at pumayag pa siyang magkaroon sila ng kissing scene. Balitang super react diumano ang mommy Divine ni Sarah matapos kunan ang kissing scene nila ni Piolo. How true, “nagwala” diumano sa set si mommy Divine?

Naman! Magli-liyebotres na si Sarah, hindi na siya teeny bopper na dapat ay pa-tweetums pa rin ang image. Nasa marrying age na nga siya.

Tingnan natin kung mapapanindigan ni Sarah ang sinabi niyang gusto niyang mag-asawa five years from now. Si Matteo Guidicelli na kaya ang lucky groom?

Si Toni Gonzaga kaya ang maging peg ni Sarah kapag sila ni Matteo ang nagkatuluyan bilang mag-asawa? Sinabi ni Toni na ngayong mag-asawa na sila ni direk Paul Soriano ay malaya na nilang nagagawa ang gusto nilang gawin. Noong dalaga pa si Toni, overprotective sa kanya ang parents niya, gaya ng parents ni Sarah.

comments