Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » PH’s sexiest woman Jennylyn rarampa sa FHM victory bash

PH’s sexiest woman Jennylyn rarampa sa FHM victory bash

Jennylyn Mercado

KINABOG ni Jennylyn Mercado ang mga kapuwa niya artista sa FHM’s 2015 Sexiest Woman in the Philippines. Number one ang hot mama at tinalo niya si Andrea Torres na mahigpit niyang kalaban.

Bet pa naman ni Marian Rivera na mag-Top One si Andrea. Twice tinanghal si Marian bilang FHM’s Sexiest Woman in the Philippines noong dalaga pa siya.

Inaabangan ang pagrampa ni Jen sa Victory Party ng FHM at ang kanyang get-up. Kabugin kaya niya ang ibang rarampa sa kanyang kasuotan?

Mukhang lucky year ni Jen ang 2015. Sunud-sunod ang blessings niya. Kamakailan lang ay hinirang siyang best teleserye actress ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa performance niya sa “Rhodora X.”

Huli siyang napanood sa “Second Chances” at may bago na naman siyang GMA series, “My Faithful Husband” na balik-tambalan nila ni Dennis Trillo. Huwag na silang kulitin kung nagkabalikan sila dahil ayaw (pa) nilang umamin.

May pelikula rin si Jen with Sam Milby at nag-shoot sila sa United States. Meron ding entry sa 2015 Metro Manila Film Festival si Jen na si JM de Guzman naman ang kapareha niya. There’s another one with Derek Ramsay again na Valentine movie naman for 2016. Una silang nagtambal sa “English Only Please.”

May business na rin si Jen. Kamakailan ay ginanap ang blessing ng kanyang SPA salon & parlor.

Ayaw ring umamin
Napag-usapan sa isang umpukan ng entertainment writers sina Kiko Estrada at Kim Rodriguez. Bakit daw ayaw nilang amining may relasyon sila? May mga sighting daw sa dalawa na magkasama na panay ang PDA (public display of affection). ’Yun daw ba ang walang relasyon?

Hindi raw kaya kapag nag-break sina Kiko at Kim at saka sila aamin? What else is new? Sabi ng isang reporter, mas mamahalin ang dalawang Kapuso stars kung magpapakatotoo sila sa estado ng kanilang relasyon.

Baka naman sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang peg nina Kiko at Kim? Ayaw ring umamin nina Tom at Carla na ang pakiyeme nila, basta masaya lang sila kung anumang meron sila ngayon. Eh, di wow!

comments