Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julie Anne denies report Coco got her pregnant

Julie Anne denies report Coco got her pregnant

julie anne

SI Coco Martin ang Kapamilya actor na na-blind item na diumano’y nakabuntis kay Julie Anne San Jose. Ikinagulat ito ng Kapuso star dahil, aniya, hindi sila personally magkakilala ni Coco.

“Hindi ko alam saan nanggaling ang isyu at sino’ng nagkalat nun,” saad ni Julie Anne sa presscon para sa single niyang “Tidal Wave.”

Aniya, wala siyang love life. NBSB (no boyfriend since birth) daw siya kaya malabong mabuntis. Hanggang puppy love lang daw siya.

Ayaw maniwala ng entertainment press na hindi pa nai-in love si Julie Anne, kaya push-push sa pangungulit, hanggang napaamin si Julie Anne na nasaktan na raw siya noon. Hindi nga lang siya nagbanggit ng pangalan.

Feeling ng entertainment press ay si Elmo Magalona ’yun na dating ka-love team ni Julie Anne. O, si Alden Richards kaya? Nag-deny kasi ang Kapuso actor na nagkaroon sila ng “something” noon ni Julie Anne.

In any case, sobrang happy si Julie Anne sa ginawa niyang music video para sa “Tidal Wave.” Kinunan ito sa USA at aniya, sobrang nag-enjoy siya.

“Chill ang atmosphere doon. Hindi ako nangarag. Mababait at magaang katrabaho ang US team. Nag-enjoy akong i-shoot ’yung music video. Marami ang makaka-relate sa “Tidal Wave” na very light, more on kilig,” sambit ni Julie Anne.

Ang American producer na si Sidney Brown, better known as Omen, ang arranger ng “Tidal Wave.” Magkakaroon ito ng international release to be distributed by GMA Records in collaboration with Los Angeles-based company VIM Entertainment Inc.

mike tan

Gamay na
Thankful si Mike Tan na marami na ang nakakapansin sa mahusay niyang pagganap sa “The Rich Man’s Daughter.” He plays Paul na isang gay. Aniya, medyo gamay na niya ang role. Pero gusto pa niyang mag-improve at palalimin pa ang pag-atake niya sa kanyang karakter.

“Ang sarap ng pakiramdam na naa-appreciate ng viewers ang role ko. Talagang pinaghihirapan ko. Nagri-research ako. Marami pang dapat abangan kung ano’ng mangyayari sa karakter ko. Kung ano’ng kaya kong gawin at isakripisyo para sa pamilya ko,” lahad ni Mike.

Mamaya sa TRMD, magkakasundo sina Jade (Rhian Ramos) at David (Luis Alandy) na magpapakasal na sila. Magugulat naman si Batchi (Chynna Ortaleza) sa pag-uwi ng asawa niyang si Abby (Stephanie Sol). Tutok lang sa mga kaganapan ng TRMD.

comments