Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julia’s effort to reconcile with dad Dennis just for show

Julia’s effort to reconcile with dad Dennis just for show

Julia BarettoSABI na nga ba’t kaplastikan o kasyobisan lang ’yung kuno’y nag-effort si Julia Barretto puntahan ang kanyang daddy Dennis Padilla sa taping ng isang TV show days or weeks bago siya mag-debut last March this year. Kuno’y nagkaayos na ang mag-ama at nagpunta pa si Dennis sa debut party ni Julia.

’Yun pala ang huli nilang pagkikita ay noong graduation ni Julia. Ito ang sabi ni Dennis sa presscon ng “The Breakup Playlist.”

Aniya pa, hindi pa wini-withdraw ni Julia ang petisyong maging legal na Barretto ang apelyido niya, taliwas sa sinabi niya noong Baldivia (apelyido ni Dennis in real life) na ang gagamitin niya. Nasa korte pa rin ang kaso at wala pang desisyon.

Hindi tuloy maiwasang pagkumparahin sina Julia at Liza Soberano bilang mga anak.

Negative ang dating ni Julia dahil sa isyu sa kanila ng amang si Dennis. Si Liza, marami ang pumuri noong nagkita sila ng kanyang American mother after seven years. Halata ang kasabikan at pagmamahal nila sa isa’t isa. Very positive ang dating ni Liza kahit iniwan pa siya ng kanyang mommy at lumaki siya sa poder ng kanyang daddy.

Ayaw pang mag-asawa
Dumalaw sa taping ng “The Rich Man’s Daughter” sa Mega Tent, Libis, QC ang Chinese boyfriend ni Rhian Ramos na si Jason Choachuy at ipinakilala niya ito sa amin.

Tungkol sa kasal ang tanong kay Rhian at sabi niya, gusto niyang mag-asawa kapag 35 years old na siya. She’s only 24 now, kaya natanong si Jason kung willing ba siyang maghintay nang gano’ng katagal? Oo naman siya na mukhang super in love kay Rhian.

Pinanonood nga raw niya ang TRMD at aniya, okey lang kung may pa-sweet moments sina Rhian at Glaiza de Castro. “She’s (Rhian) an actress and very professional,” he said.

Wedding scene ang kinunan that day nang dumalaw kami sa taping ng TRMD at naka-color beige wedding gown si Rhian. Sabi ng kanyang BF, pure white ang gusto niyang wedding gown ni Rhian kapag ikinasal sila. Mukhang she’s the one na talaga for Jason.

Si Luis Alandy ang groom, pero naka-bridal gown din si Glaiza de Castro. Abangan kung sino sa kanila ang pinakasalan ni Rhian.

Ani Rhian, nagiging close na sila ni Glaiza at parati silang nag-uusap in between takes. Hindi na sila nagkakailangan sa mga loving-loving nilang eksena.

May mga lesbian na nagpaparamdam kay Glaiza, meron din ba sa kanya (Rhian)? “Naku, wala! May mga lesbian at lipstick friends ako. Pero hanggang du’n lang. Walang nag-attempt na ligawan ako.”

comments