Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sheena Halili: ‘Ayaw ko sa tomboy’

Sheena Halili: ‘Ayaw ko sa tomboy’

Sheena Halili“AYOKO sa tomboy. Lalaki pa rin ang gusto ko,” saad ni Sheena Halili nang tanungin kung posible bang pumatol siya sa isang tomboy sakaling may manligaw sa kanya.

Nakausap namin ang Kapuso star at talent ng GMA Artist Center sa taping ng “The Rich Man’s Daughter” sa Mega Tent, Libis, QC. Aniya, noong high school siya’y may lesbian na gustong pumorma sa kanya. Agad-agad niyang sinabihan itong ayaw niyang makipagrelasyon sa isang tomboy.

Pero aniya, okey siyang tumanggap ng lesbian role, basta walang kissing scene sa kapuwa niya babae. Willing din siyang magpagupit-lalaki gaya ni Chynna Ortaleza na isang tomboy ang role sa TRMD.

Sheena plays Sally na BFF ni Rhian Ramos. Isang non-showbiz guy ang nagpapasaya ng puso niya ngayon, ayon kay Sheena.

At 28, wala pa siyang balak magpakasal. ’Yung mga kasabayan niya sa “Starstruck Batch 1” ay may mga anak na tulad nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Mark Herras. Hindi ba siya naiinggit?

“Hindi naman. Kapag uma-attend ako ng children’s party, ako lang ang walang bitbit na anak. Binibiro nila akong malapit na akong mag-expire (laughs),” ani Sheena.

May manalo kaya uli?
Si Prince from San Juan ang unang nanalo ng jackpot prize sa “Kwarta o Kwartruck” (KOK) segment last week ng “Happy Truck ng Bayan.”

Ngayong Linggo, dadayo naman sa Marikina ang tropang Happypeeps at doon mamimigay ng libu-libong papremyo, bukod sa paghahatid ng kasiyahan at kulitan.

Special guests sina Ruffa Gutierrez at Bianca King na makikipagkulitan sa Happypeeps na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen, Derek Ramsay at iba pang Kapatid stars. Tutok lang sa HTNB sa TV5 at 11 a.m.

comments