Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong, sabik na sabik na sa kanyang baby girl

Dingdong, sabik na sabik na sa kanyang baby girl

Dingdong Dantes

KULANG nalang hilahin ni Dingdong Dantes ang mga araw para manganak na ang misis niyang si Marian Rivera.

Sabik na siyang makita ang kanilang baby girl. Sa November ang due date ni Marian.

Hindi lang sila ang excited makita ang kanilang little Marian, pati ang kanilang respective families, relatives, friends, fans at media.

Anang Kapuso Primetime King, mas lalo siyang ginanahang magtrabaho ngayong magiging certified daddy na siya. Feeling niya, ang gaan-gaan lahat ng ginagawa niya. Parang hindi raw siya nakakaramdam ng pagod kahit ngarag-ngaragan siya sa taping ng “Pari ’Koy.” Parang wala lang kahit puyat siya, kapag naiisip niya si Marian at ang magiging baby nila.

Dito sa Pilipinas manganganak si Marian, ayon kay Dingdong dahil “Pilipino tayo, eh!” aniya. May bagong bahay sa isang exclusive village sa Makati City ang mag-asawa na tamang-tama sa paglabas ng kanilang baby.

Samantala, sa “Pari ’Koy,” desidido na si Michelle (Carla Abellana) na ilayo kay Father Kokoy ang anak nilang si Pinggoy (David Remo) sa kabila ng pagtutol nito. Ayaw ng batang mahiwalay sa kanyang tunay na ama.

Magmamakaawa naman si Jude (Gabby Eigenmann) kay Michelle para magkabalikan sila.

Dream come true
Dream come true sa magkapatid na Megan at Lauren Young na magkatrabaho sila sa isang project. Magkasama sila sa “Marimar” kung saan kontrabida si Lauren bilang Antonia.

“It doesn’t matter kung magkapatid kami. Basta kung ano’ng ipagawa sa amin ng director, gagawin namin,” ani Lauren.

Kasama rin sa cast ng “Marimar” si Jaclyn Jose na nakatrabaho ni Lauren sa “Mundo Mo’y Akin.” Mag-lola ang ginampanan nila. Sa “Marimar” ay mag-nanay naman sila.

“Excited akong makatrabahong muli si Tita Jaclyn. Parang naging mentor ko siya noon sa “Mundo Mo’y Akin” at marami akong natutunan sa kanya sa acting.”

Thankful si Lauren sa GMA dahil aniya, sa three years niyang pagtatrabaho sa Kapuso Network ay iba’t ibang role ang ibinibigay sa kanya. Looking forward na siya sa mga eksena nila together ng kanyang Ate Megan. Aminado naman ang huli na mas magaling umarte si Lauren kesa sa kanya.

Reunited
Reunited sina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa “Buena Familia.” Nag-umpisa at sumikat ang love team nila sa T.G.I.S. kung saan gumanap sila bilang Peachy at Wacky. Nalungkot ang fans nila noong nabuwag ang kanilang love team dahil nabuntis si Angelu ni Joko Diaz at nagkaanak sila.

Si Bobby naman ay nakapag-asawa ng isang non-showbiz girl at malalaki na ang mga anak nila. Happily married na rin ngayon si Angelu sa isang non-showbiz guy at may anak na sila.

Huling nagkatrabaho sina Angelu at Bobby sa “Teen-Gen” sa GMA kung saan may kanya-kanya silang pamilya at mga anak. Sa “Buena Familia,” mag-asawa naman ang gagampanan nilang roles. May chemistry pa rin sina Angelu at Bobby, kaya pinagsama silang muli sa BF.

Ipe-pressure
Sa “The Rich Man’s Daughter,” ipe-pressure ni Angkong si Oscar para i-pressure si Jade na magkaanak na kay David. Gusto ni Althea na siya ang priority ni Jade. Mag-aaway sila.

Nahulog na ang loob ni Sally kay Paul at umaasa siyang magbabago pa ito. Magtagumpay kaya siya?

comments