Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kabadingan mas tanggap kaysa katomboyan

Kabadingan mas tanggap kaysa katomboyan

Rhian Ramos

NOONG una pala, akala ni Glaiza de Castro ay gaya ng role ni Chynna Ortaleza bilang Batchi Luna ang gagampanan niya sa “The Rich Man’s Daughter.” Willing siyang magpagupit-lalaki at magsuot ng damit–panglalaki kung parehong out na lesbian roles ang gagampanan nila ni Chynna.

Lipstick lesbian ang naibigay na role kay Glaiza bilang Althea. Anang Kapuso actress, mas challenging pala ang lesbiyanang naka-girl’s outfit with matching high-heeled shoes at full make-up. Seksing lesbiyana nga si Glaiza bilang Althea. Kapag naka-sleeveless T-shirt at shorts siya o naka-off-shoulder outfit nakikita ang kanyang collar bone na, sabi nga ni Benjamin Alves, isa sa ikina-attract niya kay Glaiza.

In any case, nakiisa si Glaiza, pati ang mga co-star niya sa TRMD sa pagdiriwang ng America dahil sa pagsasabatas ng same-sex marriage. Isa ang TRMD sa mga nagsusulong sa pantay-pantay na karapatan pagdating sa pag-ibig.

Glaiza De Castro

Nagdaos nga ng photo shoot sina Glaiza, Rhian Ramos, Katrina Halili at Sheena Halili. Sa hashtag na #TRMDLoveWins, ipinost nila sa kanilang respective Instagram accounts ang mga ginawa nilang retrato na sinuportahan ng kanilang fans at nagbigay ng positive comments.

Incidentally, abangan sina Glaiza, Rhian, Katrina, Sheena, Chynna, Mike Tan at Luis Alandy sa isang mall show ngayong Sabado, 5 p.m., sa Montalban Town Center.

Tatapusin na?
Si Dominic Zapata ang director ng “The Rich Man’s Daughter” at pinabulaanan niya ang tsikang diumano’y minamadali na ang pagtatapos ng naturang tomboy serye dahil hindi raw ito gaanong tanggap ng televiewers, hindi gaya ng “My Husband’s Lover” na siya rin ang direktor.

Sobrang pinag-usapan ang MHL na tinampukan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Ani direk Dom, mas tanggap naman ng ating lipunan ang kabadingan, mas bukas ang isipan sa relasyon ng dalawang lalaki.

Siguro raw, nanibago lang ang televiewers sa ipinapakita nila sa TRMD sa temang katomboyan. Aniya, tatapusin nila ang serye sa itinakdang panahon at hindi dahil dapat na itong tapusin.

comments