Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jaya balik-akting

Jaya balik-akting

jaya

AFTER a long while, balik-akting si Jaya at siya ang bagong Corazon sa “Marimar” na pagbibidahan ni Megan Young (Miss World 2013). Si Manilyn Reynes ang gumanap na Corazon sa first Pinoy adaptation ng “Marimar” na launching project ni Marian Rivera sa GMA7.

Ani Jaya, kinakabahan siya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi umaarte dahil singing ang forte niya. Pero malaki ang tiwala niya kay direk Dominic Zapata at sa production staff na matutulungan siyang mabigyan niya ng justice ang role na ibinigay sa kanya.

Excited din siyang makabuo ng memories kasama ang buong cast gaya ng kulitan, tawanan, biruan sa set.

Looking forward na si Jaya makatrabaho si Megan. Aniya, “Miss World yata ’yun! It’s a pleasure to be working with her,” ani Jaya.

Also in the cast are Tom Rodriguez, Lauren Young, Jaclyn Jose, among others.

Answered prayer
Mukhang dinidinig ang panalangin ni Rufa Mae Quinto na sana’y maging madalas ang pag-guest niya sa “Happy Truck ng Bayan” (HTNB) at sana raw ay maging regular na siya sa naturang musical-game variety show ng TV5.

Ngayong Linggo, guest co-host na naman si Rufa, kaya happy siyang naka-join na naman siya sa tropang Happypeeps nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen, Derek Ramsay, among others. Tuluy-tuloy pa rin ang pamimigay ng mga premyo, kulitan at kasiyahan sa HTNB.

Abangan ang tropa sa Antipolo City. Pababasbasan pa ang happy truck sa Antipolo Cathedral para more blessings sa show.

Sosorpresahin nina Ogie at Janno si Empoy sa OJ segment. Launching din ng OCW (Oh! Construction Workers) segment kung saan mga machong construction workers ang magpapasiklaban. Tutok lang sa HTNB sa TV5 at 11 am.

comments