Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » FHM’s sexiest Jen kapiranggot lang ang saplot pag rumampa

FHM’s sexiest Jen kapiranggot lang ang saplot pag rumampa

JENNYLYN Mercado

KAPIRANGGOT lang ang isusuot ni Jennylyn Mercado sa pagrampa niya sa FHM Victory Party on July 11 na gaganapin sa SMX Convention Center. Pero aniya, hindi naman lalabas na bastusin siya at classy pa rin ang magiging dating niya.

“Parang Victoria’s Secret… yung mga neon,” anang FHM’s Sexiest Pinay of the Year.

Kabado raw siya, ani Jen. “’Andun ang pressure kasi kailangan flawless e. Kailangan hindi mo makikitaan talaga ng wardrobe malfunction, di ba, mahirap e, so kailangan tutok na tutok ako sa bawa’t detalye.”

Ayon pa sa Kapuso actress, humingi siya ng ideas kay Cristine Reyes na batchmate niya sa “Starstruck 1” at nakasama rin noon sa FHM’s Top Ten Sexiest Women.

Bakit kaya hindi rin siya (Jen) humingi ng ideas sa kapuwa Kapuso stars niyang sina Katrina Halili (batchmates sila ni Jen sa “Starstruck”) at Marian Rivera na tinanghal ding Sexiest Pinay ng FHM? Twice si Katrina, thrice si Marian.

Inaabangan kung matitiis ni Dennis Trillo na hindi panoorin ang pagrampa ni Jen sa FHM Victory Party dahil aniya, magulo du’n. Besides, hindi siya talaga inimbita ni Jen dahil nahihiya ang hot mama na panoorin siya, maski ng kanyang pamilya.

Balik-tambalan sina Dennis at Jen sa upcoming GMA series, “My Faithful Husband.” Inaabangan din ang pag-amin nilang nagkabalikan na sila.

Sabi ni Dennis, naniniwala siya sa kasabihang “Love is lovelier the second time around.” Basta aniya, okey sila ngayon ni Jen. Mas nag-mature na sila pareho, mas marami na silang kaalaman at karanasan sa buhay at mas nag-improve na sila as individuals.

“Tingnan natin. Mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay,” sambit ng Kapuso actor.

Nominated
Nag-celebrate si Sunshine Dizon ng kanyang 32nd birthday kamakailan at ginanap ang celebration sa TGI Fridays, Tomas Morato, QC. ’Andun ang kanyang pamilya (husband and two kids), mga kaibigan niya at katrabaho sa “Pari ’Koy” na sina Dingdong Dantes, Carlo Gonzales, Rap Fernandez, JC Tiuseco at Jojit Lorenzo.

’Andun din ang mga nakatrabaho niya sa “Villa Quintana” na sina Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Bettina Carlos, Paolo Contis at direk Gina Alajar.
Bag at handwritten letter ang sorpresa kay Sunshine ng kanyang husband at ng mga anak nila.

Itinuturing ding birthday gift ni Sunshine ang nomination niya bilang Best Supporting Actress in a Foreign Film sa Madrid International Film Festival for her performance in “Kamkam.” Isang misis na sabik sa atensiyon ng kanyang mister ang role ni Sunshine. Si Joel Lamangan ang director ng naturang indie film.

Samantalasa “Pari ’Koy,” muling sinusuyo ni Simon (Carlo Gonzales) si Noemi (Sunshine) para magkabalikan sila. ’Yun naman ang gusting mangyari ng anak nilang si Sarah (Jillian Ward). Magtagumpay kaya si Simon na ma-win back si Noemi?

Big honor
Kagagaling lang ni Lovi Poe sa Kuwait kung saan nag-show siya para sa mga Kapusong Pinoy na naninirahan doon. Nag-umpisa na siyang mag-taping para sa bago niyang GMA series, “Beautiful Strangers” (BS), where she plays Joyce, isang babaeng maghihiganti sa pamilyang nagkasala sa kanya.

“I’m happy to be part of this exciting series. I know, I’m gonna work with such great actors like Dina Bonnevie and Christopher de Leon. It’s really a pleasure and a big honor,” sambit ni Lovi.

Tampok din sa BS sina Heart Evangelista, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Gab de Leon, among others. Si Albert Langitan ang director.

comments