Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sarah G. palaban na

Sarah G. palaban na

Piolo at SarahJOKE lang kaya ni Sarah Geronimo o serious siya nang sabihin niya sa “Gandang Gabi Vice” na payag siyang makipag-fling kay Piolo Pascual? Mukhang palaban na ngayon si Sarah.

O, baka naman pang-promo lang ’yun para sa pelikula nilang “The Breakup Playlist”?

Hindi na naman kailangan ang gano’ng paandar o pakiyeme dahil balitang kumita (at kumikita pa) naman sa takilya ang naturang movie.

May pahayag pa si Sarah na hindi siya magpapa-steal kahit kanino dahil aniya, “Wala naman, eh!” Sagot niya ’yun sa tanong ni Vice Ganda kung totoo bang may (o mga) nag-i-steal sa kanya? ’Yun daw ang sinabi sa kanya ni Matteo Guidicelli na guest din that night. Nauna lang itong lumabas at nainterbyu ni Vice.

Sinabi pa ni Sarah na masayang-masaya siya ngayon (sa relasyon nila ni Matteo). Pero paminsan-minsan ay hindi maiiwasang magka-problema dahil normal lang ’yun sa isang magkarelasyon.

Naging honest din si Sarah nang sabihin niyang 2012 huli siyang nasaktan dahil kay Gerald Anderson. Heart-breaker ba talaga si Gerald? Sinaktan din niya ang mga puso nina Kim Chiu at Maja Salvador.

Si Rayver Cruz ang first showbiz boyfriend ni Sarah at aniya, okey na sila ngayon. Civil sila at nagbabatian kapag nagkikita sila sa ASAP. Pero hindi pa raw niya makakayang magkatrabaho sila dahil nahihiya pa siya. Ibig kayang sabihin, may awkwardness pa siyang nararamdaman?

Curious lang kami kung sino naman kaya ’yung sinabi ni Sarah na ipinaramdam sa kanyang hindi raw siya maganda? Nangilid pa ang mga luha niya na pinansin ni Vice. “Hindi mo lost ’yun. Lost niya,” words to that effect na sabi ni Vice. Very true!

Di magpapa-intimidate
Feeling super lucky si Rocco Nacino dahil dalawa ang leading ladies niya sa “Beautiful Strangers.” Sina Heart Evangelista at Lovi Poe ang magpapatibok ng puso niya sa upcoming GMA series.

Ayon kay Rocco, nasa bucket list niya ang makatrabaho si Heart. Ang girlfriend niyang si Lovi ay nakatrabaho na niya sa ilang Kapuso shows.

Isa pang dahilan ni Rocco kung bakit napakasuwerte niya’y makakatrabaho rin niya ang mahuhusay na aktor at aktres na sina Christopher de Leon at Dina Bonnevie. Ani Rocco, hindi niya hahayaang ma-intimidate siya o ma-pressure sa mga ito dahil hindi siya makaka-deliver nang tama kung paiiralin niya ang gano’ng feeling.

“I’ll do my best para hindi nila ako mapag-iwanan sa aktingan,” ani Rocco.

Sobrang thankful siya sa GMA7 sa tiwala at magagandang projects na ibinibigay sa kanya. “Nakakataba ng puso. It makes me even more humble and motivated na pagbutihin lalo ang craft ko and be a role model sa mga aspiring actors,” sambit ni Rocco.

Komportable na
Komportable na si Chynna Ortaleza sa masculine side niya bilang Batchi sa “The Rich Man’s Daughter.” Aniya, marami siyang natututunan bilang isang out na lesbian. Pero mas lalo raw niyang naa-appreciate ang kanyang pagkababae.

“I’m getting to know myself better as a person. Parang all of a sudden, I see the beauty of a woman. ’Yung softness, ’yung pagiging gentle. It’s a good role and it made me discover myself better. So, blessing talaga,” she said.

Mamaya sa TRMD, mapapaaway si Batchi sa school meeting dahil siya lang ang “tatay” na babae. Iiwasan na ni Jade (Rhian Ramos) si Althea (Glaiza de Castro).

comments