Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Zanjoe at Bea nagkakalabuan

Zanjoe at Bea nagkakalabuan

ZANJOE Marudo

NAGKAKALABUAN nga ba ang relasyon nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo? O, diumano’y break na sila?

Lumutang ang mga haka-haka nang nagbakasyon si Zanjoe sa Europe kamakailan. Solo flight lang siyang nagpunta sa Madrid, Spain. Dati kasi, parating magkasama sina Zanjoe at Bea kapag nagta-travel sila here and abroad.

Sa isang panayam kay Bea, inamin niyang may pinagdaraanan silang pagsubok ngayon sa relasyon nila ni Zanjoe. Ayon naman sa aktor, sinisikap nilang ayusin kung anu man ang namamagitang “gusot” between them.

Hinala ng ibang tao, hindi raw kaya dahil may pelikula si Bea na malapit nang ipalabas, kaya may isyung diumano’y nagkakalabuan ang relasyon nila ni Zanjoe? O, break na sila? Ano nga ba?

Kasama si Bea sa “The Love Affair” starring Richard Gomez and Dawn Zulueta under Star Cinema. Gaganap siya bilang mistress ni Richard. Supposedly, may presscon next week, pero nakansel sa hindi malamang dahilan. Matatanong sana (kung hindi pagbabawalan) si Bea sa totoong estado ng relasyon nila ni Zanjoe.

Back-to-back
Huling napanood si Ella Cruz sa “Bagito” at wala pa itong kasunod na acting assignment. Wala pang maibigay na project ang ABS-CBN kay Ella kaya ipinahiram muna siya sa TV5.

Una siyang lumabas sa “Wattpad Presents: Hot and Cold” with Bret Jackson.

Second project ni Ella sa Kapatid Network ang “#Parang Normal Activity” (PNA) na magsisimula ngayong Sabado at 8 p.m. Ka-back-to-back ito ng “LolaBasyang.com” at 7 p.m., tampok naman si Ms. Boots Anson-Roa-Rodrigo.

Parehong si Perci Intalan ang director ng dalawang bagong programa ng TV5, handog ng The Idea First Company nila ng better-half niyang si direk Jun Lana.

Horror-comedy ang “#Parang Normal Activity,” fantasy-comedy naman ang “LolaBasyang.com.” Isang friendly ghost ang role ni Ella sa PNA at magiging kaibigan niya ang tatlong nerdy teenage boys na sina Ryle Paolo Santiago, Andrei Garcia at Shaun Salvador.

Iba’t ibang classic stories naman ang ikukuwento ni Lola B every week sa “LolaBasyang.com” tulad ng “Maryang Makiling,” “Ang Plawtin ni Periking,” “Rosa Mistika” at “Ang Prinsipeng Mapaghanap” na ta-tampukan ng iba’t ibang artista.

Top One
Sobrang saya ni Julie Ann San Jose dahil two weeks pa lang kasali ang music video niyang “Tidal Wave” sa weekly countdown ng Viddley Top 20 ay nag-Top One na ito. Isang online music video ito at tinalo ni Julie Ann ang iba’t ibang kilalang international artists tulad nina Selena Gomez, Taylor Swift, Toni Kelly at Pharrel Williams.

Within this year iri-release ang iba’t ibang tracks ng music video ni Julie Ann. Samantala, busy-bisihan ang Kapuso star at talent ng GMA Artist Center sa taping ng upcoming show niya, “Buena Familia.” Tampok din sina Kylie Padilla, Martin del Rosario, Jake Vargas, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Sheryl Cruz, among others.

comments