Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Another Santiago boy joins showbiz

Another Santiago boy joins showbiz

ryle santiago

HINDI naniwala ang mga kausap na entertainment writers ni direk Perci Intalan noong back-to-back presscon ng “Lola Basyang.com” at “#Parang Normal Activity” sa sinabi niyang conflict of schedule, kaya hindi natuloy si Edgar Allan Guzman na mag-guest sa isang episode ng “Lola B.” Kasabay raw kasi ’yun ng taping ng isang TV show sa ABS-CBN.

Si Joross Gamboa ang ipinalit kay Edgar. Sabi ng isang entertainment writer, hindi talaga pinayagan ng Dos si Edgar na mag-guest, kaya pinag-taping ito ng isang TV show.

“Ah! ’Yun ang hindi ko alam,” nakangiting sabi ni direk. Aniya pa, hindi pa siya sanay na tinatawag na direk. Dati kasi siyang executive ng TV5.

Ayon kay direk Perci, apat na episodes na ng “LolaBasyang.com” ang nai-tape nila at ngayong Sabado ang pilot telecast at 7 p.m. “Maryang Makiling” ang unang episode na tatampukan ni Jasmine Curtis-Smith. Si Ms. Boots Anson-Roa-Rodrigo ang Lola Basyang na magkukuwento ng bawat episode every week.

Pressure
Kasunod ng “Lola Basyang.com” ang “#Parang Normal Activity” (8 p.m.) na si Intalan din ang direktor. Every Saturday din ito, tampok ang barkadahan ng mga kabataang sina Ella Cruz, Ryle Paolo Santiago, Andre Garcia at Shaun Salvador with Kiray Celis and Eunice Lagunsad.

Pamangkin nina Randy, Rowell at Raymart Santiago si Ryle Paolo Santiago. Kapatid ng mga ito ang kanyang daddy Jun Jun at mommy niya ang aktres na si Sherilyn Reyes. Ang dating basketball player na si Chris Tan ang stepdad ni Ryle. Aniya, close sila at parang tunay na mag-ama ang turingan nila sa isa’t isa.

Ani Ryle, pressure sa kanya na galing siya sa showbiz clan. Nirerespeto ang pamilya Santiago. Pero hindi raw siya close sa mga ito. Bihira rin silang magkita ng kanyang biological dad.

Maliit pa si Ryle noong naghiwalay ang kanyang parents at lumaki siya sa piling ng kanyang mommy Sherilyn. Wala naman siyang sama ng loob sa kanyang daddy, ayon kay Ryle.

He is 16 years old, walang girlfriend. Crush niya sina Liza Soberano at Kathryn Bernardo. Good dancer si Ryle, can sing and plays the guitar. Ngayong nasa showbiz na rin siya, payo raw sa kanya ng mommy niya’y maging professional, huwag mali-late, makisama mabuti sa mga katrabaho niya at maging mabait sa lahat.

Loveless pa rin
Kasama si Ynna Asistio sa “Lola Basyang.com” sa second episode na “Ang Plawtin ni Periking” with Vin Abrenica. Wala pang maibigay na project ang ABS-CBN kay Ynna, kaya ipinahiram muna siya sa TV5.

Graduating si Ynna sa CEU (Centro Escolar University) sa kursong Mass Communication at aniya, priority niya ang studies.

Hindi kaya sinundan niya si Derek Ramsay sa TV5? Na-link sila noon sa isa’t isa. Ani Ynna, friends lang sila ni Derek at hindi niya ito sinundan sa TV5. Single pa rin siya matapos silang mag-break ni Mark Herras.

“Feeling ko, magugulo lang ang mga plano ko kapag may love life, kaya nga itinigil ko na (laughs),” sambit ni Ynna.

comments