Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jennylyn kinaiinggitan

Jennylyn kinaiinggitan

Jennylyn MercadoMUKHANG may dalang suwerte si Derek Ramsay sa “Kwarta o Kwartruck” segment ng “Happy Truck ng Bayan.” Isa na namang contestant ang nanalo nitong nakaraang Linggo (July 12) at nakapag-uwi ng total cash prize na P225,000.

He is Aldrin Santos na taga-Commonwealth, QC kung saan ginanap ang HTNB. Tinanghal din siyang Barangay Most Wanted matapos siyang umangat sa laban sa 150 kapitbahay at kapit-barangay.

Nakatulong kay Aldrin ang pagturo ni Derek ng masuwerteng “kwartruck”. Na-feel siguro ni Derek na nasa kanya ang kapalaran ni Aldrin and his wife, kaya sinaluhan niya ito sa “kwartruck.”

Ang first winner na si Prince mula sa San Juan City, pinili niya ang “kwartruck” na kinatatayuan ni Derek kung saan nakalagay ang jackpot prize.

Samantala, pinag-uusapan naman ang “OCW (Oh! Construction Worker)” segment. Instant hit sa audience at mga netizen ang personality search. Maaaring mag-audition sa OCW sa TV5, Novaliches, QC o di kaya’y magpadala ng picture at contact details sa http://Facebook.com/HappyTruckNgBayan.
Tutok lang sa HTNB every Sunday sa TV5 at 11 a.m.

May inggit factor?
Hindi maiwasan isiping may inggit factor ang mga kapuwa Kapuso stars ni Jennylyn Mercado, kaya hindi rumampa ang mga ito sa nakaraang FHM Victory Party sa SMX Convention Center. May kanya-kanyang dahilan (kuno!) sina Andrea Torres, Sam Pinto, Max Collins at Solenn Heussaff na mga kabilang sa Top 10 sexiest women.

Hindi kaya nila matanggap pati ng iba pang kabilang sa Top 10 na kinabog sila ng isang dalagang ina?

Kung anuman ang dahilan ng mga nabanggit na Kapuso stars, Jennylyn could not care less. Ayaw niya ng negativity at positivity nalang ang iniisip niya. Sobrang thankful siya sa fans niya na todo-effort ang pagboto para maging FHM’s Sexiest Pinay siya ngayong 2015.

Agaw-pansin ang “nagmumurang” boobs ni Jen. Tanong ng bayan, nagpa-breast enhancement daw ba ang hot mama?

Surprise birthday party
Hindi pa rin inamin nina Kim Chiu at Xian Lim ang totoong estado ng kanilang relasyon, kahit nag-effort si Kim na bigyan ng surprise birthday party si Xian noong 26th birthday nito last July 12. Non-showbiz friends nila ang inimbita ni Kim na pinasalamatan ni Xian.

Aniya sa post niya sa kanyang Instagram account, akala raw niya ay mag-e-enroll lang si Kim sa isang cooking class kung saan ginanap ang surprise birthday party na in-organize ni Kim for him.

Consistent pa rin ang kanilang press release tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Basta masaya lang daw sila kung anumang meron sila sa kanilang relasyon. Enjoy-enjoy lang sila sa company ng isa’t isa. O siya, sige na nga!

* * *
Personal: On behalf of my brother-in-law, Albert Dealino and his family, thank you so much to Mr. Jose “Jerry” Acuzar, owner ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan sa hotel accommodation sa nakaraang week-end stay namin doon. Thank you rin sa kanyang hotel staff sa pag-aasikaso sa grupo namin. Such a beautiful place to unwind and relax.

comments