Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sam says di raw siya bitter sa panalo ni Jen

Sam says di raw siya bitter sa panalo ni Jen

sam pinto ANG babaw ng dahilan ni Sam Pinto kung bakit hindi siya rumampa sa nakaraang FHM Victory Party para sa 100 Sexiest Women 2015. No. 4 si Sam at si Jennylyn Mercado ang No. 1

Sa isang panayam kay Sam, sinabi niyang dalawang beses na siyang rumampa, bakit pa raw niya gagawin uli? Matatandaang twice siyang nag-No. 1 sa FHM 100 Sexiest Women (2011 and 2012). Sabi pa ni Sam, kaya na raw ’yun ni Jen at hindi siya bitter sa panalo nito. Hindi raw niya binoycott ang naturang event.

What if, siya (Sam) ang nag-No. 1, hindi rin kaya siya rarampa at ikakatuwiran niyang dalawang beses na niyang nagawa ’yun?

May prior commitment
May prior commitment naman daw si Andrea Torres kaya hindi siya nakarampa sa FHM Victory Party. No. 2 siya sa sexiest women list at pinabulaanan niyang masama ang loob niya dahil si Jennylyn Mercado ang No. 1.

Aniya, prior sa event, nagpasabi na raw siyang hindi siya makakarating dahil hindi pwedeng ikansela ang naunang commitment niya. Again, ang tanong, kung siya kaya ang No. 1, hindi pa rin niya ipapakansel ang nauna niyang commitment? Hahayaan ba niyang palampasin ang event kahit “moment” niya ’yun?

May death threat
May death threat naman daw si Max Collins kaya hindi siya nakarampa sa FHM Victory Party. Nasa No. 9 spot siya.

Nakatanggap daw ng text messages ang kanyang handler na parang kidnap-for-ransom. Gusto raw ng texter na makipagtulungan ang kanyang handler na diumano’y kikidnapin siya (Max) at ipapatubos siya sa halagang R1 million. Bina-black mail daw ang kanyang handler at pinagbantaang may masamang mangyayari sa pamilya nito kung hindi ito makikipagtulungan.

Ayon pa kay Max, may riding-in-tandem na umaali-aligid sa bahay nila. Dalawang lalaki raw na naka-motorcycle.

Sabi pa ni Max, wala siyang kaaway para makatanggap siya ng death threat. Ini-report na nila ‘yun sa mga awtoridad at kapag lumalabas siya ngayon ng bahay, may kasama na siyang security for her safety.

And more
Sa “The Rich Man’s Daughter,” sasabihan ni Tommy si Althea na sumunod nalang sa gusto ni Oscar. Na-food poisoning si Paul at guilty si Sally. Natuloy ang US honeymoon nina David at Jade.

May live chat ang “Yagit” mommies na sina Yasmien Kurdi, LJ Reyes at Bettina Carlos, 3 to 5 p.m. today. Mag-log on lang sa GMANetwork.com.LiveChat.

Samantala, alamin sa “Yagit” kung makakaligtas kaya si Dolores (Yasmien) sa kanyang operasyon. Pumayag kaya si Victor sa deal ni Izel na ibabalik nito ang perang ninakaw kung babalikan niya ito?

comments