Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bakit ‘absent’ si Nora sa kasal ni Ian

Bakit ‘absent’ si Nora sa kasal ni Ian

NORA Aunor

HINDI naniniwala ang mga kausap naming entertainment writers sa text ni Nora Aunor sa isang reporter na may sakit daw siya, kaya hindi siya nakadalo sa kasal ng anak niyang si Ian de Leon. “Granting, masama ang pakiramdam niya, wala naman siyang gagawin. Mauupo lang naman siya. Hindi naman siya siguro mapapagod,”sabi ng isang kausap namin.

Dagdag pa nito, sa clubhouse ng condo ni Lotlot de Leon sa Andrea North Towers, QC ginanap ang wedding pati reception. Kahit wala ang kanyang mommy Guy, hindi naman nagpaapekto si Ian, ayon sa kausap namin. Masaya pa rin ang groom dahil more than enough na raw na ‘andun ang mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya tulad ng kanyang daddy Christopher de Leon, tita Sandy Andolong na kahit kagagaling lang sa isang kidney transplant operation ay nagpunta, pati ang mga half-siblings ni Ian na sina Gabriel, Mariel at Mika.

Si Lotlot ang naging punong-abala sa event. ’Andun din ang dalawang adoptive brothers ni Ian na sina Kenneth at Kiko. Present din ang mga anak ni Lotlot na sina Janine, Jessica, Maxine at Diego Gutierrez.

Gimmick lang?
Could it be true na may “something” na namamagitan ngayon between Gerald Anderson and Bea Alonzo? Napakinggan namin ito sa usapan ng entertainment writers over dinner sa isang Japanese restaurant sa QC. Ipinaalala pa ng isang reporter na naging “sila” (Gerald at Bea) noon na kahit ipinakalihim-lihim pa nila’y nabuking din, kaya nagkaroon ng violent reaction ang Kimerald fans nina Kim Chiu at Gerald. May mga nagbanta pang diumano’y sasabuyan nila ng asido sa mukha si Bea.

Balitang nagkakalabuan ang relasyon ngayon nina Bea at Zanjoe Marudo. May kinalaman kaya si Gerald? Just curious. Anila, inaayos naman nila kung anuman ang pinagdaraanan nila sa kanilang relasyon.

Duda ng isang veteran reporter, hindi raw kaya gimmick lang ‘yun dahil may pelikulang ipapalabas si Bea? Swak daw kasi sa title ng movie, “The Love Affair” ang pinagdaraanan nina Bea at Zanjoe with Gerald on the side. May ganu’n? May gamitan issue? Sina Richard Gomez at Dawn Zulueta ang mga kasama ni Bea sa “The Love Affair.”

Pauleen Luna

Hindi martir
Sabi ni Pauleen Luna, hindi siya martir sa pag-ibig sa totoong buhay, taliwas sa karakter niya bilang Pearl sa “The Rich Man’s Daughter.” Naaawa nga raw siya kay Pearl dahil nagmahal lang ito sa taong hindi naman siya mahal. Ayaw pa rin niyang iwan si Gabriel (TJ Trinidad) kahit sobra na siyang nasasaktan dahil may ibang babae itong mahal at nabuntis pa.

Ani Pauleen, natutunan niya sa TRMD’s series, may mga tao raw palang hindi isusuko ang mahal nila kahit pa niloloko na sila. Pero aniya, hindi niya ‘yun gagawin sa totoong buhay. “Kung ayaw na sa akin, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko,” wika ni Pauleen. Nagbabasa ka ba Vic Sotto?

Ayon pa kay Pauleen, kinikilig siya sa karakter nina Rhian Ramos (Jade) at Glaiza de Castro (Althea). Kung siya raw ang papipiliin, gusto niyang ang mga ito ang magkatuluyan sa ending ng TRMD. Sa episode ngayong gabi, magwawala si Althea sa hospital. Malalaman ni David (Luis Alandy) na ipinabugbog ni Oscar (Al Tantay) si Althea, kaya na-trauma ito.

comments