Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mga aktres na may pangalawang glorya

Mga aktres na may pangalawang glorya

camille prats

Engaged to be married na rin si Camille Prats. Nag-propose na ang non-showbiz boyfriend niyang si John “VJ” Yambao. Sa farm sa Balete, Batangas ng pamilya Prats naganap ang marriage proposal.

Wala pang detalye kung kailan ang kanilang kasal na malamang ay next year maganap. Last May this year ikinasal ang kanyang kuya John at Isabel Oli at may kaugaliang bawal magsukob sa taon ang magkapatid.

In any case, happy ang family and friends ni Camille na nagkaroon siya ng second chance sa pag-ibig. Namatay ang first husband niyang si Anthony Linsangan in 2011 sa sakit na kanser. May isa silang anak, si Nathan (Nathaniel Caesar) na 7 years old na ngayon. Walang problema si Camille sa bagets dahil kasundo nito ang future stepdad na parang anak na rin ang turing kay Nathan.

Kahanay na rin si Camille ng mga aktres na nagkaroon ng second chance sa pag-ibig. Tulad nina Governor Vilma Santos-Recto, Sharon Cuneta, Ali Sotto, Boots Anson-Roa-Rodrigo, Amy Perez, Dina Bonnevie na hindi lang second kundi third chance pa (twice siya ikinasal matapos silang mag-hiwalay ni Vic Sotto), Zsa Zsa Padilla (third chance rin, hindi pa nga lang siya kasal), and who else?

Waiting na rin
Kailan naman kaya aalukin ni John Lloyd Cruz ng kasal si Angelica Panganiban na childhood friend ni Camille Prats? Makakadalawang kasal na si Camille. Three years or so together na sina JLC at Angelica na base sa past interviews sa aktres, waiting na lang siya sa proposal ng kanyang boyfie. Handa na raw siyang magpakasal.

What about JLC, handa na rin kaya siya? Sa mga interbyu sa aktor, mukhang wala pa siyang planong magpakasal. Hindi naman siguro waiting forever si Angelica.

Another girlfriend in waiting sa marriage proposal ni Luis Manzano ay si Angel Locsin. Dinadaan naman sa biro ni Luis na aniya, “Malapit na.” How soon kaya? Marami na ang naiinip, isa na ang mommy ni Luis, si Governor Vilma Santos-Recto na gustung-gusto nang magkaapo sa kanyang panganay na anak.

Inaway
Finale week ngayon ng “Yagit,” kaya lungkut-lungkutan si Yasmien Kurdi na bahagi ng GMA afternoon series. Aniya, napamahal na sa kanya ang mga batang yagit, lalo na si Chlaui Malayao na gumaganap bilang anak niya. Mami-miss daw niya ang bagets.

Yasmien plays Dolores na aniya, minsan ay nadadala siya ng kanyang karakter.

May sakit
Bumalik na ang karakter ni Carla Abellana bilang Michelle sa “Pari ‘Koy.” May kaakibat lang na lungkot dahil ipinagtapat niya kay Father Kokoy (Dingdong Dantes) na kaya siya umalis ay dahil may ovarian tumor siya.

comments