Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Reunion nina Angelu at Bobby, walang malisya

Reunion nina Angelu at Bobby, walang malisya

angelu de leon

AFTER 20 years, reunited sina Bobby Andrews at Angelu de Leon. Sumikat ang love team nila noong dekada ’90 na inasahan ng kanilang fans na magiging real life love team din sila. To their dismay, nabuwag ang love team nina Bobby at Angelu. Happily married na sila ngayon sa kanilang respective non-showbiz partners.

Balik-tambalan sina Bobby at Angelu sa “Buena Familia,” kung saan mag-asawa ang ginagampanan nila. At least, kahit make-believe lang, may kilig factor pa rin ang muling pagsasama ng former teen-idols.

“Alam namin, nasaktan namin ang fans namin noong naghiwalay kami ni Bobby. Pero nanatili naman ang respeto namin sa isa’t isa. Never kaming nagsiraan. Wala kaming pretensions. Natutuwa ako na after 20 years, heto magkatrabaho kami uli,” lahad ni Angelu sa presscon.

bobby andrews

Liligawan sana
Naging “kayo” ba talaga noon ni Bobby? “Almost there (laughs). He was trying to court me, kaya lang,” pabiting sabi ni Angelu. “Gusto ko siyang ligawan. Kaya lang, sinabihan ako ng mommy niya na huwag kong ligawan ang anak niya,” sabad ni Bobby.

Non-showbiz ang wife ni Bobby at dalawa ang anak nila na 15 years old ang panganay. Tatlo naman ang anak ni Angelu na 16 years old ang panganay, courtesy of Joko Diaz. Ang pangalawa at pangatlo ay magkaiba ng ama na parehong non-showbiz.

Nagkita at magkakilala ba sila ng non-showbiz wife ni Bobby? “Oo naman. Tapos na ‘yung emote days (laughs). Matagal na ‘yun, eh!” ani Angelu. Ayon naman kay Bobby, hindi isyu sa wife niya at hindi ito nagseselos kay Angelu ngayong magkatrabaho sila sa “Buena Familia.” “My wife is very understanding and supportive sa career ko,” he said.

Same with Angelu’s husband. May kissing scene sina Bobby at Angelu sa “Buena Familia” na akmang hahalikan si Angelu. “Gusto n’yo ng live trailer?” he said. “Kung dati’y pa-cute at holding hands lang kami, ngayon may kissing scene na kami,” dugtong pa ni Bobby.

Ayaw isipin
Super push ang entertainment writers kina Martin del Rosario at Kylie Padilla noong presscon ng “Buena Familia.” Crush ni Martin si Kylie at gandang-ganda siya sa dalaga. Sabi ni Kylie, hindi naman ‘yun sinasabi sa kanya ni Martin sa personal at nababasa lang niya.

What if ligawan siya ni Martin? May chance bang sagutin niya ito? “Manliligaw ka ba?” tanong ni Kylie sa katabing si Martin. “Ayoko munang isipin. Ayokong maging awkward sa set. Ayokong pangunahan kung ano’ng pwedeng mangyari. Focus muna ako sa work,” sambit ni Kylie.

In love ba naman si Martin kay Kylie? “In love agad?” pakli ni Martin. “Two months pa lang kami magkakilala ni Kylie. Kailangang kilalanin muna naming mabuti ang isa’t isa. Malalaman ko naman kung sino ang tamang tao para sa akin.” Tampok din sa “Buena Familia” sina Jake Vargas, Julie Anne San Jose, Julian Trono, Mona Louise Rey, Sheryl Cruz, Tessie Tomas, atbpa. Directed by Gil Tejada Jr. Sa Monday, July 28 ang pilot telecast sa GMA Afternoon Prime.

comments