Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Child star eyes mayorship of Makati

Child star eyes mayorship of Makati

Jana Agoncillo

MAY bago na namang child star na mamahalin at posibleng the next child superstar sa kanyang henerasyon. Siya si Jana Agoncillo, ang batang unang napanood sa “Dream Dad” with Zanjoe Marudo.

Dahil sa angkin niyang talino, bukod sa napaka-pretty pa at charming, binigyan si Jana ng bagong Kapamilya serye na siya ang title role sa “Ningning.”

Si Jeffrey Jeturian ang direktor na aniya, bilib siya sa husay ni Jana bilang isang artista. “She’s one of a kind star. Bukod sa may talent si Jana, napakatalino niya for her age. Alam niya ang ginagawa niya at parati siyang handa sa mga eksena na gagawin niya. Kabisado niya hindi lang ang mga linya niya kundi pati ng mga artistang ka-eksena niya. Ganoon siya ka-smart,” pahayag ni direk Jeffrey.

Grade 1 si Jana sa isang school sa Palanan, Makati City na aniya, gusto niyang maging mayor ng naturang lungsod. Gusto rin daw niyang maging teacher at maging isang sikat na artista.

Si Sylvia Sanchez ang gumaganap na lola ni Jana sa “Ningning” na aniya, ito ang susunod na sisikat na child star ng ABS-CBN. “Magaling si Jana. Gifted with talent ang bagets,” sambit ni Sylvia. Sina Beauty Gonzales at Ketchup Eusebio naman ang mga magulang ni Jana. Tampok din sa “Ningning” sina Vandolph Quizon, Nyoy Volante, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Pooh, at Nonie Buencamino. Sa Lunes, July 27 ang pilot telecast sa ABS-CBN Prime-Tanghali bago mag-“It’s Showtime.”

Gusto mag-explore
Si Mikoy Morales ang composer ng “Pwede Ba”? na kinanta ng 3Logy na kinabibilangan nina Jeric Gonzales, Abel Estanislao at Jak Roberto. Ito ang theme song ng Koreanovela na “Pinocchio” na napapanood sa GMA7 pagkatapos ng “The Rich Man’s Daughter.”

By the end of this month, available na ang ring back tone nito. May music video ang “Pwede Ba?” kung saan guest ng 3Logy si Kris Bernal. Bukod sa pagiging composer, kumakanta at umaakting din si Mikoy. Aniya, gusto niyang mag-explore sa kanyang career, kaya hindi pa siya makapag-focus kung saan talaga gusto niyang mag-excel. “Sa ngayon kasi, gusto ko i-try lahat, pati stage acting,” anang GMA Artist Center talent.

Nag-aaral si Mikoy ng Music Business sa MINT College (Merridian International) sa Taguig, Rizal. Four-year course ito, ayon kay Mikoy na rumored boyfriend ni Thea Tolentino. As expected, hindi umamin si Mikoy at nginitian lang kami. ‘Yun na!

julie anne san jose

Anorexic?
Sobrang payat si Julie Anne San Jose, kaya napagkakamalang anorexic na siya. Mas gusto namin ‘yung may laman siya. Sa presscon ng “Buena Familia,” kapansin-pansin ang kapayatan ni Julie Anne na aniya, hindi siya anorexic dahil magana siyang kumain. Aniya pa, nag-diet siya, kaya pumayat siya. Pero never siyang nag-take ng slimming pills.

Si Jake Vargas ang kapareha ni Julie Anne sa “Buena Familia,” na aniya, ready na siya sa bashers ng JaBea fans. Break na kasi sina Jake at Bea Binene at pati love team nila’y wala na rin.

“Deadma na lang ako sa bashers. Not worth my time,” ani Julie Anne. Aniya, management decision na pagtambalin sila ni Jake. May pagka-misteryoso raw si Jake, tahimik lang kapag nasa set sila at bihirang magsalita. “Pero mabait naman si Jake,” ani Julie Anne.

Sa Tuesday (July 28) ang pilot telecast ng “Buena Familia” sa GMA Afternoon Prime kapalit ng “Yagit” na final episode ngayon. Abangan ang mga pasabog sa pagwawakas nito.

comments