Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aktres, handa nang maging lola

Aktres, handa nang maging lola

Jake Vargas

NO show si German “Kuya Germs” Moreno sa presscon ng “Buena Familia” kung saan kasama sa cast ang “anak-anakan” niyang si Jake Vargas. Dati kasi, nauuna pang dumating si Kuya Germs sa presscon ng “anak-anakan” niya bilang suporta.

But since nagka-mild stroke si Kuya Germs, waley na siya maski sa ibang presscon ng GMA7. Good thing na okey na uli si Kuya Germs. Tuluy-tuloy lang ang pagte-therapy sa kanya. Napapakinggan na siya sa kanyang radio program sa DZBB, “Walang Siesta” at napapanood na sa “Walang Tulugan with the Master Showman.”

Sa presscon ng “Buena Familia,” nilinaw ni Jake na wala silang tampuhan ni Kuya Germs. Pati ang tsikang diumano’y pinagbabawalan siyang dalawin ang kanyang “tatay-tatayan.” Ani Jake, dinadalaw niya at nakakausap si Kuya Germs. Kapag ang nag-aalagang nurse nito ang nakasagot sa tawag niya, ipinapasa nito kay Kuya Germs ang telepono.

May paliwanag naman si Jake sa sinabi ni Julie Anne San Jose na tahimik at bihira siyang magsalita kapag nasa set sila ng “Buena Familia.” Ani Jake, talagang mahiyain lang siya at tahimik kahit noong hindi pa siya nag-aartista. Ayaw daw niyang masabihang ma-epal (mapapel) kapag daldal siya nang daldal. Oo nga naman! Bukas na ang pilot telecast ng “Buena Familia” sa GMA Afternoon Prime.

Handa na maging lola
Sabi ni Sylvia Sanchez, handa na siyang maging lola. Nagpaparinig na kaya siya sa anak niyang si Arjo Atayde? Sa “Ningning”, bagong Kapamilya serye na pinagbibidahan ng child star na si Jana Agoncillo ay si Sylvia ang gumaganap na lola ng bagets.

Madalas silang magka-eksena, kaya somehow ay na-feel niya ang maging lola, ayon kay Sylvia. Natututunan niya kung paano gabayan at arugain ng isang lola ang kanyang apo. “Sa aspetong ‘yun, handa na akong maging lola. Alam ko na ang gagawin ko. Pagnagka-apo ako sa tunay na buhay, hindi ko siya iispoylin. Ipapaliwanag ko sa kanya ang mga bagay-bagay para maintindihan niya,” saad ni Sylvia.

Feel-good ang kuwentong “Ningning” na marami ang makaka-relate. Masisilayan din ng televiewers ang ganda ng bayan ng San Vicente, Palawan kung saan sila nag-taping para sa unang linggo ng teleserye. Ipapakita rin ang kakaiba at nakamamanghang magagandang tanawin ng isla at ang masayang komunidad na naninirahan doon. Mapapanood ang “Ningning” simula ngayong Lunes bago mag-“It’s Showtime” sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Pari o tatay?
Magkakaroon ng iba’t ibang Kapuso guest stars sa nalalabing dalawa o tatlong linggo sa ere ng “Pari ‘Koy.” Marami ang humihiling nai-guest si Marian Rivera. Ayon kay Dingdong Dantes, napag-uusapan na nila ‘yun at posibleng mag-cameo role ang kanyang misis.

Si Andrea Torres ang bagong karakter na papasok sa “Pari ‘Koy.” Gaganap siya bilang exotic dancer cum escort girl na magiging kaibigan ni Father Kokoy. Hindi pa masabi ni Dingdong kung ano’ng mangyayari sa karakter niya. Kung iiwan ba niya ang pagiging pari o paninindigan na lang niya ang pagiging tatay sa anak niyang si Pinggoy (David Remo).

comments