Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ai-Ai binuko sina Ruru at Gabbi

Ai-Ai binuko sina Ruru at Gabbi

Ai Ai Delas alas

KABOGERA talaga si Ai-Ai de las Alas at kinarir ang outfits noong “Thank You, Kapuso! GMA Fans Day 2015” sa SM Mall of Asia Arena.

’Nung una niyang labas sa stage, naka-all black ang Philippine Comedy Queen na may kapa at talukbong pa sa ulo. Nang tanggalin niya ang mga ’yun, seksi-seksihan si Ai-Ai sa kanyang tangga outfit na kita ang kuyukot ng kanyang puwet. Joke niya, para raw ’yun kay Atty. Felipe Gozon (GMA chairman and CEO) na ’andun sa audience. Present din ang iba pang GMA executives.

Sa pangalawang palit ni Ai-Ai, outrageous din ang kanyang gold and orange gown na may malaking headdress na parang palara ng sigarilyo (joke!) at buntut-buntutan (ano ba ’yun?). ’Kaloka! Pero carry naman ni Ai-Ai.

’Yung pangatlo niyang outfit ay simple na, pero naka-wig naman siya na parang si Vice Ganda. Naka-t-shirt at tight-fitting jeans si Ai-Ai. No offense meant sa ibang Kapuso stars, pero si Ai-Ai ang nagbigay-buhay at todong-saya sa ginanap na event. Galing niya talaga magpatawa na walang ka-effort-effort.

Magsyota na?
Bukikera rin si Ai-Ai at sinabi niyang magsyota sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia bago niya tawagin ang mga ito on stage. “Magsyota sila. Nagyayakapan sila,” patungkol ni Ai-Ai sa mga co-star niya sa “Let the Love Begin.”

Mukha ngang may “something” na kina Ruru at Gabbi dahil noong nag-duet sila ng theme song ng kanilang teleserye, sobrang lagkit ng kanilang titigan sa isa’t isa. Kakaiba rin ang kanilang body language. Basta!

Kung sweet sina Ruru at Gabbi, halata namang awkward sa isa’t isa sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Sila naman ang mga kasama ni Ai-Ai sa “Sunday PinaSaya” na magsisimula sa Aug. 9 at 12 nn. Kasama rin si Marian Rivera na tinukso on stage sina Alden at Julie Anne. Panay ang tulak ni Marian kina Alden at Julie Anne para magkadikit ang mga ito. Hiya-hiyaan pa (kuno!) ang dalawa.

Siyempre, ’andun si Dingdong “Pari ’Koy” Dantes at hiyawan ang fans nang magkasama silang lumabas on stage ni Marian Rivera. Magsi-six months pregnant na si Marian, pero maliit pa rin ang kanyang tiyan.

Tinilian din sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na mga bida sa “My Faithful Husband,” gayun din sina Tom Rodriguez at Megan Young na tampok naman sa “Marimar.”

’Andun din sina Lovi Poe, Rocco Nacino at Christopher de Leon para sa “Beautiful Strangers.” Lahat ng GMA shows, pati news and public affairs ay well-represented. Nakiisa rin ang mga respected news personalities.

Payo ni Kuya Germs
Nice to see German “Kuya Germs” Moreno sa kanyang first public appearance matapos siyang ma-mild stroke. Kasabay niyang lumabas sa stage ang pamangkin niyang si John Nite na co-host niya sa “Walang Tulugan with the Master Showman” at “anak-anakang” si Jake Vargas, kasama rin ang mga bagong discoveries ni Kuya Germs sa naturang programa.

Again, nagbigay ng payo si Kuya Germs sa mga baguhang artista na huwag lalaki ang kanilang ulo, mahalin ang kanilang trabaho, maging matiyaga at dapat ay marunong silang tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong at tumutulong sa kanila.

Bukod sa production numbers ng mga Kapuso stars, nagkaroon ng raffle para sa fans na ang mga sinuwerte ay umuwing may cash prizes at GMA tokens. Nagkaroon din ng meet-and-greet, at photo opp.

comments