Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bea on ties with Zanjoe: ‘We’re working it out’

Bea on ties with Zanjoe: ‘We’re working it out’

dawn richard bea

SA presscon ng “The Love Affair,” sinabi ni Bea Alonzo na okey naman sila ni Zanjoe Marudo. Masaya naman daw sila.

“Mukha ba akong in pain and broken? We’re working it out,” patungkol ni Bea sa estado ng relasyon nila ni Zanjoe.

“Responsibilidad mo sa sarili mo na maging happy ka,” dagdag pa ni Bea.

Inamin naman niyang lumalabas sila ni Paulo Avelino. Pero aniya, may kasama silang mga kaibigan. She stressed na friends lang sila ni Paulo at walang “something” na namamagitan between them.

Kasama ni Bea sa “The Love Affair” sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Anang aktres, fan siya ni Dawn. “Sobrang ganda ni Ms. Dawn. She’s also a good actress. Gusto ko siyang gayahin sa pag-handle sa kanyang personal life at sa kanyang career,” sambit ni Bea.

Happy person
Happy person naman daw si Richard Gomez at marami siyang natutunan mula sa aktor. “Enjoy lang siya sa buhay. Parang hindi seryoso. Pero marami siyang alam. Marami siyang gustong gawin. He’s sporty. He loves music. He plays the guitar at gusto naman niyang matutong mag-aral tumugtog ng violin,” pahayag ni Bea.

May intimate scenes sila ni Richard sa “The Love Affair” at ani Bea, gentleman at very professional ang actor. Very supportive ito at never ipinaramdam na dapat ay ma-intimidate o masindak siya rito. Isang lawyer ang role ni Bea na mai-involve kay Richard na si Dawn naman ang asawa.

Ani Richard, parati siyang masaya kapag dumarating sa set ng “The Love Affair.” “Hindi lang kasi magaganda, kundi magagaling pang artista sina Bea at Dawn. Excited ako parati kapag dumarating ako sa set,” lahad ni Richard.

Hinawakan ang boobs
Sa presscon ng “The Love Affair” (TLA), ipinakita ang trailer at may eksenang hinawakan ni Richard ang boobs ni Dawn. May “shock factor” sa entertainment press, kaya natanong si Richard kung nailang ba siyang gawin ’yun?

“Hindi ako nailang. Na-excite ako (laughs),” pakli ni Goma.

Ayon naman kay Dawn, may pinanggalingan ang karakter ni Richard at kailangan talaga ’yun sa eksena, kaya pumayag siya without hesitation. Ipinaalam naman daw niya ’yun sa kanyang husband (Congressman Anton Lagdameo) at hindi big deal ’yun sa kanilang mag-asawa. Naintindihan nitong trabaho lang ang ginawa nila ni Richard.

Same with Richard’s wife, Congressman Lucy Torres. Very understanding at supportive ito sa kanyang husband. Big fan si Lucy ng Richard-Dawn love team noon hanggang ngayon.

Sa eksenang ipinakita sa trailer ng TLA, galit na galit si Richard kay Dawn noong nalaman niyang may ka-affair itong ibang lalaki. Kinaliwa siya ni Dawn. “Sana, lagi akong galit (laughs),” joke ni Goma.

Directorial debut ni Nuel Naval ang TLA at aniya, hindi niya kinailangang kumbinsihin sina Richard at Dawn gawin ang eksena dahil both are professional actors. May inputs din ang mga ito sa movie na ani direk Nuel ay plus factor sa istorya.

Handog ng Star Cinema, showing ang “The Love Affair” simula sa Aug. 12 sa mga sinehan nationwide.

comments