Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ariel-Gelli marriage solid as a rock

Ariel-Gelli marriage solid as a rock

gelli de belen

TEENAGERS na ang dalawang anak na lalaki nina Ariel Rivera at Gelli de Belen, pero pormang dalaga pa rin ang katawan ni Gelli. Napapanatili niya ang pagiging seksi-seksihan at young-looking kahit nasa late 30s na siya (or early 40s?).

Eighteen years na silang kasal ni Ariel at solid as a rock ang kanilang pagsasama. Ayon kay Gelli, never pa silang nagkaroon ng major fight. Kung nagkakaroon man sila ng problema, agad nilang inaayos ito.

Tuloy pa rin ang plano nilang mag-asawang pag-aaralin ang mga anak nila (Joaqui and Julio) sa Canada kapag nag-college na ang mga ito. Doon nakatira ang parents ni Ariel, kaya kampante silang may gagabay sa kanilang mga anak.

Kasama si Gelli sa cast ng “Misterless Misis,” upcoming sitcom ng TV5 na mapapanood every Sunday simula Aug. 9 at 9 p.m. She plays Lisa, asawa ng isang OFW na nangaliwa sa kanya. Kabaliktaran ito sa estado ni Gelli sa tunay na buhay dahil faithful husband si Ariel. Lucky wife indeed siya!

Dream come true
Dream come true kay Ayen Munji-Laurel na makatrabaho niya si Christopher de Leon sa “Beautiful Strangers.”

Ani Ayen sa presscon, in less than three months matapos ang huling teleserye niya sa GMA7 (“Second Chances”) ay natupad ang pangarap niya. She plays Lourdes, other woman ni Ronaldo (Christopher de Leon) at anak nila si Kristine (Heart Evangelista).

First time ring katrabaho ni Ayen si Dina Bonnevie (as Alejandra, legal wife ni Ronaldo). Excited din siya, ayon kay Ayen dahil parehong mabait at supportive sa kanya sina Boyet at Dina.

“Never nilang ipinaramdam na bigger stars sila sa akin. Parati silang positive sa set,” lahad ni Ayen.

First time rin niyang na-deglamourize at inaapi sa kanyang role. May sampalan scene sila ni Dina at ani Ayen, “Magaan ang kamay niya. After ng take, nilapitan niya ako at panay ang sorry. Worried siyang baka nasaktan ako.

“Kung Dina Bonnevie ba naman ang mananampal, kahit kaliwa’t kanan pa, I would not mind (laughs),” ani Ayen.

Bagong cooking show
Walang cook sa bahay nila ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, kaya sila ang nagluluto ng food nila.

Itlog ang parating niluluto ni Iya, ayon kay Drew. Mahilig daw mag-eksperimento ng iba’t ibang luto ng itlog ang misis niya. Nag-e-effort naman daw si Iya maghanda ng pagkain nila.

Siya naman daw ay nagta-try ring magluto ng mga simpleng recipe lang na nagugustuhan naman ni Iya, ayon kay Drew. Next year pa nila gustong magka-baby dahil nag-e-enjoy pa sila sa kata-travel here and abroad.

May bagong cooking show ang GMA7, “Home Foodie,” na si Drew ang host. Tie-up ito sa San Miguel Pure Foods at may mga kasamang chefs si Drew na magtuturo sa televiewers ng mga simple dishes na madaling lutuin.

Mapapanood ito Mondays to Fridays simula Aug. 10 after “Unang Hirit” at every Saturday and Sunday simula Aug. 15 sa “Balitanghali” ng GMA News TV.

comments