Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rocco feels awkward kissing Heart

Rocco feels awkward kissing Heart

rocco and heart

KAHIT nakagat ng alaga niyang aso, hindi na-trauma si Lovi Poe. Inaalagaan pa rin niya ang apat niyang aso. Isa sa mga ito’y katabi pa niyang natutulog sa kanyang kama.

Six anti-rabies injections ang ginawa kay Lovi at aniya’y sobrang sakit ang mga ’yon. Kung saan-saang parte ng katawan niya siya ininiksiyunan.

Bukod sa aso, may alaga ring pusa si Lovi. Napulot lang niya ’yun nang minsang nag-jogging sila ni Rocco Nacino sa UP campus, Diliman, QC. Nakita niyang muntik nang masagasaan ang pusa, kaya sa awa niya, “inampon” niya ito at pinangalanang Lucky.

By the way, excited si Lovi sa role niya sa “Beautiful Strangers.” Bida-kontrabida siya bilang Joyce/Lea. Anang Kapuso actress, nahirapan siya bilang Lea na isang taong grasa. May rape scene pa siya with Christopher de Leon. Sobrang worried daw ito matapos kunan ang rape scene nila dahil baka raw nasaktan siya (Lovi).

Nailang
Para kay Rocco Nacino, malaking bonus na katrabaho niya sa “Beautiful Strangers” sina Lovi Poe at Heart Evangelista. Pareho siyang may kissing scenes sa mag-BFF na aktres.

Ani Rocco, na-awkward siya sa kissing scene nila ni Heart. Nailang siya, pero after ng take, nagtawanan na lang sila ni Heart. Nagtawanan din sila ni Lovi matapos kunan ang kissing scene nila, ayon kay Rocco.

Wala pa silang marriage plans, pero nakaplano na kung ilan ang gusto nilang maging anak. “Two girls and two boys sana,” sambit ni Rocco.

Halimbawang nagkaanak sila ng bading, tatanggapin ba niya? “Pag-aaralin ko siya ng jui-jitsu (laughs),” sabi ni Rocco.

Eh, kung tomboy? “Jui-jitsu rin,” anang Kapuso actor.

Blue belter na si Rocco sa jui-jitsu at magdyo-join siya sa isang competition sa Tokyo, Japan sa September this year. Isasama niya si Lovi, ani Rocco.

Happily married
Twenty-four years nang happily married si Jestoni Alarcon and his non-showbiz wife na si Lizette Capili. Twenty-one years old ang panganay na si Jessica Liz na nag-aaral ng Medicine, 18 y/o ang sumunod na si Angela Shaina, taking up Mass Communications at 17 naman ang bunsong si Anthony Pierce , Law student sa De La Salle University. Parehong sa Miriam College nag-aaral sina Jessica at Angela. Isa ring black belter sa taekwando ang huli. Mahilig ding mag-showbiz si Angela. Kinukuha siya ng TV5 at pinagwo-workshop kay direk Ryan Carlos.

Board member si Jestoni sa Rizal (Cainta, Angono, Binangonan at Taytay). First term niya at aniya, hindi pa siya makapagdesisyon kung magsi-seek siya ng another term sa May 2016 elections or kakandidato siya for a higher position. Naging vice governor siya ng Rizal.

Samantala, tinatapos ni Jestoni ang pelikulang “Maria Labo” kung saan isang pulis ang role niya. May gagawin din siyang pelikula sa Star Cinema at isang teleserye sa ABS-CBN.

comments