Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabby E. iwas-tukso dahil mahal ang pamilya

Gabby E. iwas-tukso dahil mahal ang pamilya

Gabby Eigenmann

HINDI isyu kay Louise de los Reyes kung supporting role lang siya sa “My Faithful Husband (MFH).” Nagbida na siya sa ilang GMA teleserye na pinakahuli’y ang “Kambal Sirena.” Almost a year ago na ’yun. Bakit niya tinanggap ang supporting role sa MFH?

“Alam ko, marami akong matututunan kina Dennis (Trillo) at Jennylyn (Mercado). First time ko silang katrabaho. This is something new for me. Okey naman ang role ko, kapatid ni Jen. Hindi naman “one of those” lang ang karakter ko,” sambit ni Louise sa presscon ng MFH.

Aniya pa, kinikilig siya kina Dennis at Jen kapag nakikita niyang nag-uusap ang dalawa off-cam. Sweet daw ang dalawa. Feeling daw niya’y may “something” ang mga ito. “Bagay sila on-and-off cam. Ang ganda ng chemistry nila,” ani Louise.

Hindi naman na-offend si Louise nang pansinin naming tumaba siya. Namumurok ang kanyang mga pisngi. Aniya, mahilig siyang kumain, kaya nag-gain siya ng weight. Hindi naman siguro hihintayin pa ni Louise na mabigyan siya ng fat memo ng GMA.

At hindi rin niya siguro gugustuhing supporting role ever na lang siya sa mga susunod niyang projects sa Kapuso Network. Dapat ay karirin niya ang pagpapapayat para muling maibalik ang dating porma ng kanyang katawan.

Iwas-tukso
Dapat pala’y hindi mamamatay ang karakter ni Carla Abellana bilang Michelle sa “Pari ’Koy (PK).” Ikakasal sana sila ni Gabby Eigenmann (Kapitan Jude). Pero naiba ang istorya at “pinatay” ang karakter ni Carla sa sakit na ovarian cancer. Ito ang sabi ni Gabby Eigenmann nang nakausap namin sa thanksgiving Mass para sa PK.

Aniya, okey ang working relationship nila ni Carla. Hindi sila nagkailangan at pareho silang professional sa kanilang trabaho.

Never nilang napag-usapan ang ex-boyfriend nitong si Geoff Eigenmann na pinsan niya (Gabby). Never din siyang tinanong ni Geoff tungkol kay Carla kapag nagkikita sila. “Wala lang,” ani Gabby. “Ayoko namang tanungin sila sa past nila. Respeto na lang, unless sila ang mag-open up.”

When told na sa mga lalaking Eigenmann, siya lang yata ang hindi chickboy, napangiti lang si Gabby. “Marunong akong umiwas sa tukso. Mahal ko ang pamilya ko at ayokong sayangin ang magandang pagsasama naming mag-anak. Simple living lang kami. Mahilig kaming mag-travel abroad bilang bonding moments namin,” pahayag ni Gabby.

Siyanga pala, si Andrea Torres ang bagong karakter na pumasok sa “Pari ’Koy.” She plays Leila, isang sexy dancer sa isang bar.

No comment
Tama lang na hindi nag-comment si Marian Rivera sa isyu ng fans nila ni Heart Evangelista. Deadma ang Kapuso Primetime Queen sa post ni Heart na very bad ang fans ni Marian. Ayaw ni Marian ng negativity at positivity na lang ang iniisip niya, lalo pa’t magiging certified mommy na siya three months from now.

Limang pangalan ng kanilang baby girl ang pinagpipilian nila ni Dingdong Dantes. Maria ang una at iniisip pa nila ang second name. Sa ginawang 4D Ultrasound, buo na ang features ng baby na ayon kay Marian ay kamukha ni Dingdong. Sabi naman nito, kamukha ni Marian.

Mapapanood si Marian sa “Sunday PinaSaya” simula sa Linggo (Aug. 9) kung saan kasama niya sina Ai-Ai de las Alas, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Jose Manalo, Wally Bayola, Valeen Montenegro, atbp. Tutok lang sa GMA at 12 noon.

comments