Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Rich Man’s Daughter’ bids farewell

‘Rich Man’s Daughter’ bids farewell

luis rhrian glaiza

FAREWELL episode tonight ng “The Rich Man’s Daughter” at magandang abangan kung sino ang pipiliin ni Jade (Rhian Ramos) kina David (Luis Alandy) at Althea (Glaiza de Castro).

Ayon kay Rhian, marami siyang natutunan sa kanilang tomboyserye. Kung paano tatanggapin at mamahalin ang sarili maging ano o sino ka man. At paano mo ipaglalaban ang pagmamahal sa isang tao.

Para naman kay Glaiza, mahalaga ang respeto sa taong mahal mo. Ang pagiging totoo sa sarili ang natutunan naman ni Luis.

Tumatak naman sa televiewers ang karakter ni Chynna Ortaleza bilang Batchi. Mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng TRMD ay effective ang performance ni Chynna bilang isang out na lesbian. Nagpagupit-lalaki pa siya at kinarir pati pananamit. Sana’y mabigyan ng bigger project si Chynna kasunod ng TRMD.

Biyuda forever
Sarado na, nakakandado pa ang puso ni Lorna Tolentino sa tawag ng pag-ibig. Ayaw na niyang muling buksan ang kanyang puso para magmahal muli matapos mamatay ang mister niyang si Rudy Fernandez in June 2008.

Nakapagdesisyon na si LT na manatiling biyuda forever. Ayaw na niyang mag-entertain ng mga manliligaw. Kaya ’yung mga lalaking gustong magparamdam, “nganga” na lang.

Ayon kay LT, masaya siya sa buhay niya ngayon sa piling ng mga anak niyang sina Rap at Renz. Nadagdag pa sa kaligayahan ni LT ang 3-year-old apo niyang si Tori. Bundle of joy ang bagets, ani LT.

Kahit misterless, blooming pa rin si LT. Hindi pa rin siya nagpapabaya sa kanyang sarili, ganda-gandahan pa rin siya. Mapapanood si LT sa “Misterless Misis (MM),” bagong weekly sitcom ng TV5 na magsisimula sa Linggo (Aug. 9) at 9 p.m. She plays Jenny, isang career-oriented woman na hindi sinipot ng kanyang groom sa araw ng kanilang kasal. Tampok din sa MM sina Gelli de Belen, Ritz Azul, Mitch Valdes, Ruffa Gutierrez at ipinakikilala si Andie Gomez. Directed by Mark Meily.

Napagod ang puso
About 40 movies na ang nagawa ni direk Maryo J. de los Reyes sa apat na dekada na niya sa showbiz. Isa sa mga pelikulang ginawa niya na hindi niya malilimutan ang “Kapag Napagod ang Puso” na tinampukan ni Christopher de Leon. Ani direk Maryo, talagang napagod ang puso niya sa pagtatrabaho nila ng multi-awarded actor.

Common knowledge na nalulong noon sa masamang bisyo si De Leon. Ayon kay direk Maryo, kasagsagan ng “bisyo” noon ng aktor na ang call time nila’y 10 a.m., darating si Boyet papalubog na ang araw. Bangag-bangaran pa raw ito pagdating sa set.

Praise God, nagbago si Boyet at hindi tuluyang napariwara ang buhay, ani direk Maryo nang nakausap namin sa thanksgiving Mass ng GMA para sa “Pari ’Koy.” Noon at hanggang ngayon ay kinikilala si Boyet bilang isang mahusay at respetadong aktor sa kabila ng mga pinagdaanan niya.

Mapapanood si Boyet sa “Beautiful Strangers” topbilled by Heart Evangelista and Lovi Poe with Dina Bonnevie, Rocco Nacino, Ayen Laurel, Benjamin Alves, among others. BS premieres on Monday, Aug. 10 sa GMA Telebabad.

comments