Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Guy producing drama anthology, going topless in forthcoming film

Guy producing drama anthology, going topless in forthcoming film

Nora Aunor

UMAASA pa rin si Willie Revillame na magiging daily ang “Wowowin” within this year or early next year. Naghahanda na nga siya at aniya, naghahanap na siya ng mas malaking studio para maging komportable ang audience.

Kung mapagbibigyan siya ng GMA management, gusto niyang 5 to 6:30 p.m. ang time slot ng WWW bago mag-“24 Oras.”

Aniya pa, mas marami siyang matutulungan kung magiging daily ang kanyang programa. Naghahanda na rin si Willie ng mga bagong kanta, games at iba pang pakulo.

Magpapa-audition na rin daw siya para sa magiging female co-hosts niya. Tatlo ang kukunin niya at gusto niya’y talagang mga baguhan.

Beginning this Sunday, mapapanood ang WWW sa bagong time slot, 2 to 3:15 p.m. pagkatapos ng “Sunday PinaSaya.” Thankful si Willie sa GMA management sa magandang blocktime deal nila at dinagdagan pa ng 15 minutes ang kanyang airtime. Malaki rin ang discount na ibinigay sa kanya bilang producer ng WWW.

“Madaling kausap ang GMA. Naramdaman kong may puso sila talaga,” lahad ni Willie.

Aniya, milyones na ang nalulugi sa kanya at sobrang abonado na siya sa gastos since nag-umpisa ang WWW. Wala siyang talent fee at siya lahat ang nagbabayad sa kanyang production staff.

“Ang importante, mapasaya ko ang audience. Makakabawi naman ako pag naging daily ang WWW. Mas maraming sponsors na papasok. Mas marami akong mapapasayang tao,” wika ni Willie. Oo nga naman!

Dream come true
Dinalaw namin ang first taping day ni Nora Aunor sa “Pari ’Koy” sa San Jose del Monte, Bulacan. Aniya, dream come true na magkatrabaho sila ni Dingdong Dantes. Idol daw niya ang Kapuso Primetime King.

Ayon sa superstar, noong nagkita sila ni Dingdong sa isang awards night ay nasabi niya rito na gusto niyang gumawa sila ng pelikula.

“Ang bait-bait niya (Dingdong), kaya masaya na ako na kahit sa TV ay nagkasama kami. Umaasa pa rin akong makakagawa kami ng pelikula,” sambit ni Guy.

She plays Lydia sa “Pari ’Koy” na naghahanap sa nawawala niyang anak at apo. Magiging pulubi siya at mababaliw ang kanyang karakter. Three taping days si Guy sa PK at hanggang katapusan ng faithserye ay kasama siya.

Reunion nila ni direk Maryo J. de los Reyes ang “Pari ’Koy”. Huli silang nagkatrabaho sa pelikulang “Naglalayag” ten years ago.

Magpo-produce uli
Nabanggit ni Guy na ire-revive niya ang kanyang NV Productions at magpo-produce siya ng drama anthology na ipapalabas sa GMA. Tipong “Ang Makulay na Daigdig ni Nora” ang tema na iba’t ibang istorya, artista at director ang itatampok. Hopefully, within this year masimulan na ang kanyang drama anthology.

Samantala, enjoy ang superstar sa paggawa ng indie films. Nag-umpisa na siyang mag-shoot ng “Kabisera” with Luis Alandy, JC de Vera, Jason Abalos, and John Rendez. Magsu-shoot naman siya sa Netherlands ng “Eskaparate” kung saan isang aging prostitute ang role niya. Excited si Guy maumpisahan ang “Tasaday” kung saan aniya’y magta-topless siya.

Tatapusin lang ni Guy ang “Kabisera” at magpapaopera na siya sa kanyang lalamunan. Sa isang hospital sa Boston, Massachussetts isasagawa ang kanyang throat surgery. One month siyang magpapahinga after ng operation at magte-therapy pa siya.

comments