Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derrick masama ang loob

Derrick masama ang loob

9derrick foto

SUMAMA pala ang loob ni Derrick Monasterio nang pagpalitin ang karakter nila ni Andrei Paras sa “The Half-Sisters.” Akala niya’y siya ang makakapareha ni Barbie Forteza, pero “pinatay” pa ang karakter niya noong nagbakasyon siya sa United States. Kaya hindi na siya ibinalik sa naturang GMA afternoon drama.

Ayon pa sa nakausap naming source, sumama rin ang loob ni Derrick noong hindi siya isinama sa “Sunday All Stars.” Dagdag pa ng source, totoong may offer ang ABS-CBN kay Derrick. Hindi raw ’yun gimmick. Hanggang 2016 pa ang kontrata ni Derrick sa GMA Network, kaya hindi niya matanggap ang offer ng Kapamilya Network.

Itinanggi rin ng source na nakikialam na ang mommy ni Derrick na si Tina Monasterio sa pagma-manage sa career ng anak. “Concerned lang ang mommy ni Derrick sa tinatakbo ng career ng anak. Siyempre, bilang isang ina, gusto ni Tina malaman kung ano talaga ang plano ng GMA para sa anak niya. Sa pagkaalam ko, bibigyan ng bagong project si Derrick. Primetime show ’yun,” wika ng source.

Kami man ay nanghihinayang sa career ni Derrick. Kulang sa push para makaalagwa nang todo ang kanyang career. Nabantilawan na. Very promising siya noong nag-uumpisa pa lang siya. Leading man material… matangkad, guwapo, can act, can sing, can dance si Derrick. Push, push lang ang kailangan sa kanyang career.

Kapuso na?

Ngayong Linggo na ang simula ng “Sunday PinaSaya” at 12 noon sa GMA7. Special guest si Jessica Sanchez at makaka-duet niya ang isang Kapuso actor. Abangan kung sino ’yun. Totoo kaya ang tsikang magiging Kapuso na si Jessica? Abang-abang na lang pag may time.

Kasunod ng “Sunday PinaSaya” ang “Wowowin” (2 p.m.) at thankful si Willie Revillame na back-to-back sila ng SP. Aniya, parang extension nito ang WWW na bukod sa aliw at saya ay mamimigay naman ng libu-libong papremyo sa mga game na inihanda nila.

May tsika ring bukod sa “Wowowin” ay magkakaroon ng sitcom si Willie kasama si Manny Pacquiao. Magandang kumbinasyon, if ever!

Sinong epal?

Sino kaya ang tinukoy ni Kristoffer Martin na huwag nang umepal? “Okey na ’ko, eh. Malapit na sana. Kaso, epal na naman kayo. Bahala na kayo. Punung-puno na ’ko!” bahagi ng post niya sa kanyang Twitter account.

May kinalaman kaya ’yun sa tsikang diumano’y malapit na silang magkabalikan ni Joyce Ching? May nakikialam ba o humahadlang para magkaroon sila ng second chance?

Pasabog

Sa Taytay, Rizal maghahatid ng saya at mga papremyo ang “Happy Truck ng Bayan” ngayong Linggo. Sa opening number, isang hot dance number ang pasabog ng ace basketball superstar na si Gary David at ng Brazilian ex-beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Tampok naman ang volleyball player na si Alyssa Valdez sa “Ready Set Goma!” segment. Abangan din ang grand finals ng OCW (“Oh! Construction Worker”) kung saan R100,000 ang cash prize ng winner. P200,000 naman ang jackpot prize sa “The Happiness on Wheels” segment. Tutok lang sa HTNB sa TV5 ngayong 11 a.m.

comments