Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Erap not running for President: ‘Di ko puedeng kalabanin si Grace’

Erap not running for President: ‘Di ko puedeng kalabanin si Grace’

erap

NAGING girlfriend pala ni former president now Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada si Daisy Romualdez.

Sinabi ito ni Mayor Erap noong get together niya with the entertainment press na in-organize ni Manay Ichu Maceda and her sisters Lilibeth and Chona.

Ginanap ang affair sa Sampaguita Gardens Events Place. Ayon kay Manay Ichu, sinadya nilang ihanda ang mga comfort food ng kanilang papa (the late Sampaguita producer Dr. Jose Perez), tulad ng laing, adobong manok, halabos na hipon, kare-kare, relyenong bangus, minatamis na saging na saba, sapin-sapin, biko at iba pang kakaning Pinoy na Pinoy. May lechon din. May trivia question tungkol kay Mayor Erap at pinahulaan ni Manay Ichu kung sino sa mga female senior star na naroon nang gabing ’yun ang naging girlfriend nito.

Walang nakahula, kaya mismong si Mayor Erap ang nagbanggit ng pangalan ni Daisy. Ani Mayor Erap, short-lived lang ang naging affair nila ni Daisy. Ang alam ng press na naugnay noon kay Mayor Erap ay sina Perla Bautista (no show sa event), Imelda Ilanan, Didith Reyes (RIP), Nora Aunor, Laarni Enriquez, Guia Gomez (now San Juan city mayor at mother ni Senator JV Ejercito Estrada), and who else?

Nang tanungin naman si Mayor Erap kung ilan lahat ang anak niya, joke niya, ”Mahina ako sa math.” Dumating din sa event sina Celia Rodriguez, Liza Lorena, Lollie Mara, Luz Valdez, Gloria Romero, Gloria Sevilla, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Boots Anson-Roa with husband Atty. King Rodrigo, Robert Arevalo, Barbara Perez, Delia Razon.

Asked kung tatakbo ba siya bilang presidente sa May 2016 elections, sambit ni Erap, “Hindi ko pwedeng kalabanin si Grace (Senator Grace Poe), inaanak ko ’yan. Si Binay (Vice President Jejomar Binay), kumpare ko.” Sa sinabi niyang ayaw niyang kalabanin si Sen. Grace, ibig kayang sabihi’y tatakbo itong president?

Wait na lang tayo sa official announcement ng senadora. Ani Mayor Erap, tatakbo uli siya bilang mayor ng Manila para ipagpatuloy ang mga programa niya para sa lalong ikauunlad ng naturang lungsod. So, there! Beso-beso Sa get-together pa rin ni Mayor Erap with the entertainment press, nang dumating si Annabelle Rama kasama si Eddie Gutierrez, inabangan kung magbabatian o magdedeadmahan sina Annabelle at Liza Lorena.

Common knowledge na nakarelasyon ni Eddie si Liza at nagkaanak pa sila, si Tonton Gutierrez. Pero lumapit pa si Annabelle sa table na kinalulugaran ni Liza at nagbeso-beso sila. Nag-join pa si Bisaya at Eddie sa table kung saan kasama ni Liza sina Delia Razon, Luz valdez, Lollie Mara, Boots Anson-Roa-Rodrigo and husband.

Dahil sa katabaan Hindi lang once kundi twice natanggal sa cast ng magkaibang teleserye ang isang aktres. Ayon sa isang source, nakapag-taping na ang aktres sa unang teleserye. Nang ipapanood sa mga network executive ang rushes ng mga nakunang eksena ng aktres, pinapalitan ito. Sobrang taba raw kasi nito sa screen.

Isang mestisahing aktres ang ipinalit sa tabachingching na aktres. Isinama naman ito sa isa pang bagong teleserye na pagbibidahan ng isang young actress. But then again, hindi ’yun inaprubahan ng network executives. Pinapalitan ang tabachingching na aktres.

Depress-depressan ang tabachingching na aktres, ayon sa source. “Siguro ang peg niya ay si (………),” wika ng source.

Guess who ang tabachingching na aktres at ang peg nito?

comments