Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sharon nagkasakit sa kada-diet

Sharon nagkasakit sa kada-diet

Sharon Cuneta

NAG-WORLDWIDE trending na naman ang AlDub tandem. Marami ang nag-abang noong Miyerkules kung finally ay magkikita na sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza). Pareho silang nasa Broadway Centrum dahil live nag-perform si Yaya Dub sa laban nila ni HBD (Happy Birthday) Girl Patricia sa “Eat Bulaga.” Mala-Cinderella si Yaya Dub na naiwan ang isang kapares ng sapatos sa pagmamadali niyang umalis.

Marami ang kinilig sa muntik-muntikan nang pagkikita nina Alden at Yaya Dub. Nagkontrabida na naman si lola Nidora (Wally Bayola), kaya nabitin ang pagkikita ng dalawa. Pinahirapan pa nito si Alden na basang-basa dahil sa kasasalok sa ilang drum ng tubig para punuin ang parang malaking banyera. ’Yun ang challenge sa kanya ni lola Nidora.
Hawak ang naiwang isang pares ng sapatos ni Yaya Dub, hinabol-habol pa siya ni Alden. To his dismay, hindi niya naabutan si Yaya Dub na biglang sumakay ng jeep. Nganga ang studio audience pati ang televiewers sa hindi pagkikita ng dalawa.

Hanggang kailan nga ba maghihintay ang madlang pipol sa pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub? Parami nang parami ang naa-“addict” sa pagsubaybay sa kalyeserye ng AlDub tandem. ’Kaaliw naman kasi. Promise!

Hinay-hinay lang

Dahil sa kada-diet, bumaba ang albumin ni Sharon Cuneta. May fungal infection pa siya. Three weeks na ang matinding ubo niya, parati siyang napapagod kahit wala siyang ginagawa at abnormal ang kanyang heart rate, kaya nagpa-check up siya at na-confine sa St. Luke’s Hospital.

Nagpa-CT scan ang megastar, nag-2D Echo test at nagpa-chest X-ray. Thank God, negative naman ang resulta. May iba pang ginawang tests kay Sharon and hopefully, nothing to worry about.
Sa kanyang Facebook account, humihingi ng dasal ang megastar. Ipagdasal nating nawa’y nasa mabuting kalagayan na ngayon si Sharon.

At sana, hinay-hinay lang sa pagda-diet. Maa-achieve mo nga ang hinahangad mong timbang, kung magkakasakit ka naman, not worth it. Di bale nang tabachingching, basta walang nararamdamang sakit sa katawan. Sharon Cuneta is Sharon Cuneta! Achieved na ’yun.

Unprofessional

Unprofessional daw si Robin Padilla, ayon sa Japanese porno star na si Maria Ozawa. Ayaw na kasing gawin ni Robin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Maria na intended sa 2015 Metro Manila Film Festival. Mas pinili niyang alagaan ang wife niyang si Mariel Rodriguez na six weeks pregnant.

Triplets ang ipinagbubuntis ni Mariel at complete bed rest ang payo ng kanyang doktor. Maselan at delikado ang first three months ng pagbubuntis ni Mariel, kaya todo-effort ang pag-aalaga sa kanya ni Robin. Nag-miscarriage si Mariel sa una niyang pagbubuntis, kaya extra-careful na siya ngayon, lalo pa’t triplets ang dinadala niya sa sinapupunan.

Understandable na i-prioritize ni Robin ang kalagayan ng kanyang misis, kesa gawin ang MMFF movie with Maria. Baka hindi lang makapag-focus si Robin sa trabaho dahil hindi maiwasang isipin niya parati ang kalagayan ni Mariel.
Hindi pa naman nakakapagsimulang mag-shoot si Robin kaya wala pang nasayang na eksena niya na irere-shoot. Ang naibigay lang niyang abala o hassle siguro sa production staff ay ang paghahanap sa actor na ipapalit sa kanya.

comments