Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Zanjoe-Bea ties ‘papunta na sa liwanag’

Zanjoe-Bea ties ‘papunta na sa liwanag’

15bea-love 1

PAPUNTA na sa liwanag,” ang nakangiting sabi ni Bea Alonzo nang tanungin siya ni Boy Abunda sa “Aquino & Abunda Tonight” tungkol sa estado ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo. Present si Zanjoe sa premiere night ng “The Love Affair” obviously, bilang suporta kay Bea.

Weeks ago, bago ang promotion ng naturang movie at sa presscon nito, sinabi ni Bea na may pinagdaraanan sila ni Zanjoe sa kanilang relasyon. “We’re working on it,” sabi pa ni Bea.

Sa latest pahayag niyang papunta na sa liwanag ang kanilang relasyon, effort pa more and hopefully, magliliwanag na ang lahat para kina Zanjoe at Bea. Huwag na sana silang makikinig o padadala sa mga sulsol ng (o mga) taong nakapaligid sa kanila. Kung meron mang nakikialam. Silang dalawa lang naman ang pwedeng umayos kung anuman ang problema sa kanilang relasyon.

Effort pa more

Nasa second season na ang “Showbiz Konek Na Konek,” kaya effort kung effort ang tatlong hosts na sina IC Mendoza, Bianca King at MJ Marfori para mas mapaganda pa ang takbo ng kanilang programa.

Kayod pa more sila para sa kanilang exclusive interviews, hindi lang sa mga Kapatid star, kungdi pati sa ilang artista ng ibang network. Nakakabilib ang kanilang powers na makuha ang side ng mga ito kapag may isyu. Tulad ng Kapamilya actor na si Marco Gumabao kaugnay ng nude photos niya na kumalat sa Internet.
Ang SKK din ang unang nagtampok sa viral sensation na si Maria Sofia Love sa pamamagitan ng live video phone patch. Natalakay rin nila ang sensitibong paksa tungkol kay Jiro Manio.

Anang SKK hosts, marami pa silang nakahandang pasabog sa kanilang programa. Abangan ang exclusive interview kay Lee O’Brien tungkol sa diumano’y nakunan ang girlfriend niyang comedienne na si Pokwang. Tutok lang sa SKK, Monday to Friday sa TV5 at 11 a.m.

Guessing game

Guessing game kung magkakasama ba sina Joey de Leon at Willie Revillame sa isang show ng GMA. Ayon sa tsikang nakarating sa amin, may pictorial at plug shoot si Joey para sa “Starstruck” kung saan isa siya sa magiging judge. Nasa GMA Studio rin si Willie at noong nalaman niyang may pictorial si Joey, pinuntahan niya ito. Matagal daw nagkuwentuhan ang dalawa.

Noong presscon ng “Wowowin,” nabanggit ni Willie na gusto niyang magkasama sila ni Joey sa isang show. Isa kaya ’yun sa napag-usapan nila ni Joey noong puntahan niya ito sa pictorial ng “Starstruck”?
Abang-abang na lang kung magkakasama sila sa isang GMA show. Why not? Joey at Willie, magandang kumbinasyon, if ever.
By the way, magiging bahagi ng upcoming season ng “Starstruck” ang mga alumni nitong sina Mark Herras, Kris Bernal, Rocco Nacino, Miguel Tanfelix at Megan Young. Sa September ang airing ng artista search na ito na sina Dingdong Dantes at Megan Young ang hosts.

This month naman ang airing ng “MariMar” na si Megan ang title role with Tom Rodriguez as Sergio (her love interest). Nagte-taping na sila at ayon kay Megan, enjoy siya at komportable siya working with Tom. Alagang-alaga raw siya ni Tom sa set at ramdam niya ang malaking respeto nito sa kanya.
Any reaction, Carla Abellana and Mikael Daez? May selos factor kaya?

comments