Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vilma denies running for VP

Vilma denies running for VP

Batangas Governor Vilma Santos

PATRICIA more! Push, push lang at mukhang may bago na naming mapapasikat ang “Eat Bulaga” dabarkads.
Second placer ang commercial model HBD (Happy Birth Day) Girl na si Patricia sa nakaraang grand finals ng “Bulagaan Pa More (BPM) “na si Ryza Mae Dizon ang first placer.

May na diskubreng talent kay Patricia na nagpamalas ng aerial dance na buwis-buhay. Mukhang smitten sa kanyang charm si Joey de Leon na bago pa magsimula ang grand finals ay talagang sabik nang makita ang performance ni Patricia. Nag-worry pa (kuno!) si Joey at sinabing hindi raw kaya magka-wardrobe malfunction si Patricia?

Bago ipahayag ang winner sa BPM, halatang si Patricia ang bet ni Joey. Nilapitan pa niya ito at hinalik-halikan. Or for show lang ‘yun? Whatever! Ano kayang reaction ng misis niyang si Eileen Macagapagal?
Kung wala kayang Pauleen Luna si Vic Sotto, hindi kaya ma-link siya kay Patricia? Knowing Vic. Sana, mabigyan ng ibang segment si Patricia at hindi ‘yung tagabalita siya ng mga may birthday. Sana, ma-explore pa ang iba niyang talents. Gaya ng sabi ni Joey de Leon, Patricia more!

Feeling better now

Nakalabas na ng hospital si Sharon Cuneta after five days of confinement dahil sa matinding ubo at allergies. Post niya sa kanyang Facebook account, she’s feeling better now na nakauwi na siya ng bahay kapiling ang kanyang pamilya (husband Senator Kiko Pangilinan and their children – Frankie, Miel, and Miguel).
Labis ang katuwaan niya nang dalawin siya sa hospital ng panganay niyang anak na si KC Concepcion at may pasalubong pang mga paborito niyang tinapay at sandwich.

All’s well that ends well sa mag-inang Sharon at KC na matatandaang nagkaroon ng tampuhan a few months ago. Sumama ang loob ni Sharon sa lumabas na sexy pictorial ni KC. Other than that, may iba pang personal issues ang mag-ina na hindi na inelaborate ni Sharon. Kung anuman ‘yun, ang mahalaga’y nagkaayos na ang mag-ina.

Di interesado

Sa pamamagitan ng isang text message, mariing itinanggi ni Governor Vilma Santos-Recto na tatakbo siya bilang vice-president ni Mar Roxas sa May 2016 elections. Aniya, wala siyang plano kumandidato for a higher position. Hindi siya interesado.
Nilinaw din ng actress-politician na wala siyang kinalaman, maski ang mister niyang si Senator Ralph Recto sa mga kumakalat na tarpaulin niya sa Batangas kung saan nakalagay ang “Mar-Vi for 2016.”
Ayon pa kay Gov. Vi, walang pormal na pag-uusap. Wala ‘yun sa kanyang plano at wala sa ambisyon niya. But then, thankful naman siya na kinukunsider siyang maging running mate ni Roxas. So, there!

Big announcement

Totoo kayang soon ay may big announcement si Luis Manzano? Tungkol kaya ‘yun sa pagpasok niya sa pulitika sa May 2016 elections o sa pagpapakasal nila ni Angel Locsin?
May pahayag noon si Luis na soon ay magpo-propose na siya ng kasal sa kanyang girlfriend. How soon kaya ‘yun? Abang-abang na lang kapag may time.

comments