Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Megan palaban as Marimar

Megan palaban as Marimar

Megan Young

BIRTHDAY ngayon ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. na he must be in his mid or late ‘70’s kung nabubuhay pa siya. Halos magkasing-edad sila ng BFF niyang si former president now Manila mayor Joseph “Erap” Estrada na 76 years old na.

Sa pamamagitan ng isang paid TV advertisement, sinariwa ni Senator Grace Poe ang magagandang alaala niya with her papa FPJ. Ang mga tulong na nagawa nito para sa mga nangangailangan. Ang magagandang aral sa buhay na natutunan niya mula kay FPJ. Paano ito magmahal at magmalasakit sa kapuwa.
Tanong ng bayan, pahiwatig raw kaya ang infomercials na ‘yun ni Senator Grace na nakapagdesisyon na siyang kakandidato bilang presidente sa May 2016 elections? Abang-abang na lang.

Takot mag-diet

Biggest project ever ni Megan Young ang “Marimar” na aniya, ibang level na ito, kaya pinaghandaan niyang mabuti ang kanyang role. Nag-acting workshops siya, nag-swimming at diving lessons. “Ayoko kasing half-baked lang ang performance ko. Ayokong ma-disappoint ang production team na alam kong grabe ang effort sa pagtatrabaho. Team effort kami,” saad ni Megan sa presscon ng “Marimar.”
Aniya pa, hindi siya nag-diet kahit aware siyang may sexy scenes siya. Healthy living siya at kumakain lang ng tamang pagkain. “Takot ako mag-diet,” ani Megan. Aniya pa, ibang istorya ng “Marimar” 2015 kesa sa ginawa ni Marian Rivera noong 2007. “Mas palaban ang bagong Marimar. Siya ang makabagong Filipina,” sabi ni Megan.
May pressure ba? “Gaya ng naramdaman ko noong Miss World competition. Kailangan ko talaga ng paghandaan,” lahad ni Megan na Miss World 2013.
Kumusta katrabaho si Tom Rodriguez? “Komportable ako .He’s easy to work with. Off-cam, nag-uusap kami tungkol sa hobbies namin, sa family namin,” lahad ni Megan.
What about lovelife? Deadma ever si Megan, as if wala siyang narinig. Nang tanungin ng isang reporter kung bawal bang pag-usapan ang lovelife habang naka-ere ang “Marimar,” deadma again at smile lang si Miss World 2013.

Magkaibang taste

Dream come true kay Lauren Young na magkatrabaho sila ng kapatid niyang si Megan Young sa “Marimar.” She plays Antonia na desperadang maagaw kay Marimar si Sergio Santibañez (Tom Rodriguez). May eksenang sasabunutan, babatukan at sasampalin ni Lauren si Megan.
Kontrabida role si Lauren na aniya, okey lang dahil komportable na siya sa gano’ng role. “It’s easier for me. Trabaho lang at okey lang sa ate ko na saktan ko siya (laughs). In real life, we have a good relationship bilang magkapatid,” lahad ni Lauren.
In real life ba, kaya niyang mang-agaw ng lalaking mahal ng kanyang ate Megan? Magkaiba kami ng taste sa guys (laughs),” sagot ni Lauren. Aniya pa, happy ang lovelife niya ngayon. Tahimik lang, pero masaya sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Tampok din sa “Marimar” sina Alice Dixson, Jaclyn Jose, Zoren Legaspi, Jaya, Ricardo Cepeda, Dion Ignacio, Carmi Martin, Tommy Abuel, Nova Villa, Ina Raymundo, Cris Villanueva, Frank Magalona, Candy Pangilinan, Ashley Cabrera at ang asong si Fulgoso. Directed by Dominic Zapata, “Marimar” premieres on Monday (August 24) after 24 Oras on GMA Telebabad.

comments