Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Zoren, Carmina ‘hiwalay’ na!

Zoren, Carmina ‘hiwalay’ na!

Thankful si Jaya na agad-agad ay may kapalit siyang show sa GMA7 noong nawala ang “Sunday All Stars” (SAS). Isinama siya sa teleseryeng “MariMar” kung saan gumaganap siya bilang Corazon, ang mayordoma ng mga Santibanez at magiging tagapagtanggol ni MariMar (Megan Young) sa mga taong mang-aapi rito.

Ayon kay Jaya, ang mama Elizabeth Ramsey niya ang kanyang peg sa ginagampanan niyang karakter. Sa trailer na ipinakita noong presscon ng “MariMar,” may mga mannerism si Jaya na gayang-gaya niya ang kanyang mama Beth.

Happy at thankful si Jaya na okey na ang kalagayan ngayon ng kanyang mama Beth matapos itong atakehin ng seizure due to diabetes/hyperglycema. Nilinaw ni Jaya na hindi na-stroke ang kanyang mama Beth gaya nang naunang balita noong isinugod ito sa ospital.

Ngayong Lunes na ang pilot telecast ng “MariMar” pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

zoren and carmina

Hiwalay na
Naghiwalay na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Iniwan na ni Zoren ang kanyang pretty wife. Kanya-kanya na sila ngayon dahil bumalik si Zoren sa GMA, naiwan sa ABS-CBN si Carmina. Huling napanood si Zoren sa “Forever More” sa ABS-CBN na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kapuso muli si Zoren after five years. Kasama siya sa cast ng “MariMar” bilang Gustavo Aldama na biological father ni MariMar. Si Alice Dixson na balik-Kapuso rin ang ina ni MariMar.

Ayon kay Zoren, hindi isyu kung father role siya at nasa mid-20s na ang gumaganap niyang anak na si Megan Young. In real life, 13 (or 14?) years old lang ang kambal na anak nina Zoren at Carmina na si Mavey at Cassy. “It’s just a role,” ani Zoren.

Natanong nga pala si Zoren noong presscon ng “MariMar” kung nagselos ba siya sa kissing scenes ni Carmina sa “Bridges of Love”? Aniya, nagulat siya noong napanood niya dahil hindi raw nagpaalam ang kanyang misis na may ganitong eksena. Dahil artista rin siya, inunawa na lang niya dahil trabaho ‘yun. Hindi naman naging big deal o big issue ‘yun sa kanilang mag-asawa, ani Zoren.

Bagong bahay
How true kaya na diumano, may bagong bahay na nabili si Julia Montes malapit daw sa bahay ni Coco Martin somewhere in QC? Ang unang bahay na naipundar ng Royal Princess of Drama ng ABS-CBN ay sa Antipolo City kung tama ang pagkatanda namin.

Bakit naman kaya sa dinami-rami ng lugar na pwedeng bilhan ng bagong house ni Julia ay malapit pa sa house ni Coco ang napili niya?
Sinadya kaya o nagkataon lang?

O, hindi kaya si Coco ang nakakita at sinabi niya ‘yun kay Julia?

Whatever! Nothing wrong naman kung maging neighbors sila. Love thy neighbor, ‘ika nga!

Kahit walang inaamin sina Coco at Julia sa totoong estado ng kanilang relasyon, hindi pa rin matigil-tigil ang ispekulasyon ng mga nakakarami na may “something” sila.

comments