Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coleen doesn’t want BF Billy to watch her film with Derek

Coleen doesn’t want BF Billy to watch her film with Derek

Coleen Garcia

SELOSO, pero pa-cute lang ang boyfriend niyang si Billy Crawford, ayon kay Coleen Garcia. Marami silang intimate scenes ni Derek Ramsay sa pelikulang “Ex with Benefits” kaya, ani Coleen, ayaw niyang papanoorin si Billy ng premiere night nito. Pero gusto ni Billy.

Very supportive and understanding boyfriend si Billy, ayon kay Coleen. Ipinagpaalam naman niya rito ang mga gagawin nilang intimate scenes ni Derek sa “Ex with Benefits.

“Before doing the scenes, pinag-usapan namin nina Derek at direk Gino (Santos) ang blocking. Kailangan take one lang, no take 2,” pahayag ni Coleen sa presscon.

Ayon naman kay Derek, parang hindi first time ni Coleen sa intimate scenes. Very professional ito. May eksena silang hindi niya sinasadyang masubsob ang face niya sa boobs ni Coleen. Hindi nito ipina-cut ang eksena at tuluy-tuloy lang sila sa pag-akting. After the take, nag-apologize siya kay Coleen, sabi Derek. Okey lang daw, ani Coleen.

Ayon pa kay Derek, friend niya si Billy at sana raw, friends pa rin sila after this movie. Nakatagpo rin siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Coleen. Mabait, professional and easy to work with si Coleen, ayon kay Derek.

Tips on moving on

Sa presscon pa rin ng “Ex with Benefits,” naitanong kina Derek at Coleen kung paano sila mag-move on matapos silang makipag-break sa kani-kanilang karelasyon.

“Moving on is not easy,” ani Derek. Pag mahal mo, isipin mo na lang na mas masaya siya, she’s better off, happier without me. Kung may kaunti pang chance na magkabalikan kayo, ipaglalaban ko. Pero kung wala na talaga, ile-let go ko na. Move on na lang.”

Ayon pa sa hunk actor, naka-relate siya sa kanyang role sa “Ex with Benefits” dahil todong magmahal ang karakter niya rito bilang Adam. Ipinaglaban niya ang kanyang pagmamahal. Si Coleen ang girlfriend (Arki) niyang bigla na lang umalis at hindi na nagpakita pero hindi niya alam ang dahilan.

Sabi naman ni Coleen, focus na lang siya sa kanyang energy. Dapat ay mahalin mo ang sarili mo at huwag bigay todo.
“Nakakatulong din if you see your friends. Learn to be happy alone. Or you go to the gym and work out,” pahayag ni Coleen.

Aniya pa, ’yung isang dating karelasyon niya’y basta na lang umalis at iniwan siya nang walang pasabi. Showbiz guy ’yun na hindi na pinangalanan ni Coleen. Ikaw ba ’yun, Gab Valenciano?

Big movie launch

Big movie launch ni Coleen ang “Ex with Benefits” at aniya’y takot siya noong una, sobrang kaba at excited siya. Ani Coleen, sobrang na-challenge siya dahil 28 years old ang karakter niya, gayung in real life ay 23 years old lang siya.

Pina-tone down ni direk Gino ang boses niya dahil sobrang taas ito. “Inalalayan ako ni direk Gino,” ani Coleen.
Second time nilang nagkatrabaho ni direk Gino. ’Yung ‘una’y sa “#Y” (Hashtag Y) kung saan nakakuha si Coleen ng nomination for best supporting actress mula sa 31st PMPC Star Awards for Movies.

Handog ng Star Cinema, tampok din sa “Ex with Benefits” sina Rayver Cruz (no show sa presscon), Meg Imperial, KitKat, Carmi Martin, Juan Rodrigo, Nina Ricci Alagao, Jobelle Salvador, among others. Showing ito on Sept. 2 sa mga sinehan nationwide.

comments