Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rochelle ‘nganga’ sa marriage proposal

Rochelle ‘nganga’ sa marriage proposal

ROCHELLE Panglilnan

LAKING panghihinayang ni Mark Neumann sa naudlot na pagtatrabaho nila ni Robin Padilla sa pelikulang kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Nag-beg off (hindi raw nag-back out) si Robin dahil sa pagbubuntis ng asawa niyang si Mariel Rodriguez.

Unfortunately, nagkaroon ng miscarriage si Mariel sa triplets na ipinagbubuntis niya.

Ani Mark, marami sana siyang matututunan kay Robin kung natuloy ang pagsasama nila sa pelikula.

Isa ito sa mga hinahangaan at nirerespeto niyang aktor. Naintindihan naman niya kung bakit nagdesisyon si Robin na huwag nang gawin ang pelikula. “Talagang gano’n. Siyempre, family first,” sabi ni Mark sa isang interbyu.

Si Cesar Montano ang ipinalit kay Robin at ayon kay Mark, natutuwa siyang makakatrabaho niya si Montano.

Alam niyang marami siyang matututunan dahil mahusay ring actor ito.

Nganga
Sa Japan nag-celebrate ng kanilang 7th anniversary as sweethearts sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Pero walang naganap na marriage proposal mula kay Arthur. “Nganga” si Rochelle.

Joke nga ni Rochelle, siya na lang ang magpo-propose kay Arthur.

Kung si Rochelle kasi ang tatanungin, handa na siyang magpakasal.

He’s the one na talaga for her.

Pinsan ni Arthur si Dingdong Dantes na pinakasalan si Marian Rivera after almost seven years ng kanilang BF-GF relationship.

Sa isang interbyu noon kay Arthur, sinabi niyang pauunahin muna nila ni Rochelle magpakasal sina Dingdong at Marian.

Ibig kayang sabihin, susunod na sila? Pinsan din ni Arthur si Carlo Gonzales na si Luanne Dy naman ang girlfriend.

Matagal-tagal na ring magkarelasyon ang dalawa. Sino kaya sa mag-pinsan ang mauunang magpakasal?

Super close
Huwag nang mainip ang BiGuel fans dahil malapit nang mapanood muli sa isang bagong drama series ng GMA7 sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Inihahanda na ang proyektong muling pagsasamahan ng dalawang Kapuso tween stars.

Huli silang napanood sa “Once Upon a Kiss.” Did we hear it right na super close na ngayon sina Miguel at Bianca?

But then, walang label ang anumang namamagitang relasyon between them.

Ang kanilang press release, close friends lang sila.

comments