Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ken on playing transwoman:’Mahirap palang maging babae’

Ken on playing transwoman:’Mahirap palang maging babae’

KEN Chan

INAABANGAN na ang paglabas nina Megan Young at Tom Rodriguez sa “MariMar.” Nag-worldwide trending ang pilot telecast nito, kaya naman sobrang thankful si Megan sa mga tumutok kahit hindi pa lumalabas ang karakter niya.

Naging emotional si Ms. World 2013 nang batiin pa siya ni Marian Rivera noong nag-promote sila ni Tom sa “Sunday PinaSaya.”

Ani Megan, mas lalo siyang na-inspire pagbutihin ang akting niya bilang bagong “MariMar” at gagawin niya raw lahat ng makakaya niya para hindi mabigo ang GMA7 sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

Bago sila nagsimulang mag-taping ng “MariMar,” nag-acting workshops si Megan at patuloy pa rin ito dahil aniya, magagaling ang mga co-actor niya at ayaw niyang mapahiya sa mga ito.

Inaabangan ang eksena nila ng kapatid niyang si Lauren Young na kontrabida ang role.

Aminado si Megan na mas magaling umarte si Lauren kesa sa kanya, kaya pagbubutihin din niya ang pag-arte.

Mamaya sa “MariMar,” bibigyan ni Gustavo (Zoren Legaspi) ng calling card at pera ang hindi niya nakilalang anak na batang MariMar. Pupunta ito sa private beach ng mga Santibañez at makikita ang batang Sergio na kinagat ng jelly fish. Bubuhusan niya ng tubig dagat ang sugat nito.

Bida na
Sobrang saya at excited si Ken Chan na binigyan siya ng launching project ng GMA7. Nag-pay off ang matiyagang paghihintay ng GMA Artist Center talent at bida na siya sa upcoming series na “Destiny Rose.”

Isang transwoman ang role ni Ken at aniya’y big challenge ever sa kanya ’yun.

Ani Ken, mahirap daw palang maging babae.

Kinarir niya talaga ang kanyang role at pina-wax niya ang mga buhok niya sa katawan, maliban sa kanyang mga kilay.

Nagpapayat din siya para magmukhang girl talaga ang kanyang katawan.

Binigyan naman siya ng tips ng co-stars niya sa “Destiny Rose” na sina Katrina Halili at Sheena Halili sa pagpapaseksi.

Tampok din sina Manilyn Reynes at Fabio Ide na love interest ni Ken.

Judge rin
Bukod kina Joey de Leon at Jennylyn Mercado, judge rin si Regine Velasquez sa “Starstruck 6.”

Sina Dingdong Dantes at Megan Young naman ang hosts.

Excited si Regine mag-judge dahil aniya, nasubaybayan niya ang naturang artista search mula batch one hanggang five.

Sa mga ipinakilalang Top 35 ng “Starstruck 6,” mukhang mahihirapan ang judges pumili kung sino ang may K (karapatan) tanghaling Ultimate Male and Female Survivors.

Mukhang sinalang mabuti ang pumasok sa Top 35, kaya it took a while bago pinangalanan ang mga napili.

Next month na ang airing ng “Starstruck 6” at ayon kay Dingdong, mas mahihirap na challenges ang ipapagawa sa mga pumasok sa Top 35.

Abangan kung sinu-sino ang mga malalaglag at mananatili hanggang sa grand finals.

comments