Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Asking price ni Alden doble na

Asking price ni Alden doble na

Alden Richards

UNDENIABLY, hottest Kapuso talent ngayon si Alden Richards.

Talagang dinudumog siya sa mga lugar na pinupuntahan niya para mag-show.

Balitang nag-double or triple ang asking price ni Alden at may tsika pang diumano’y P1 million ang offer sa kanya para mag-concert siya sa Araneta Coliseum.

Ang laki talaga ng naitulong kay Alden ng daily exposure niya sa “Eat Bulaga” lalo pa’t nag-klik ang kalyeserye nila ni Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza).

Sobrang init ng AlDub fever at parating nagwo-worldwide trending.

Meant to be or destiny kaya nina Alden at Yaya Dub ang isa’tisa?

May tsikang nakarating sa amin na five years ago ay nagkita na pala sila sa event ng isang magazine.

Hindi pa artista noon si Alden at pumunta lang siya sa naturang affair.

’Andun din si Maine at may lumabas pang photo na magkasama sila.

Parehas pa silang bagets noon.

Nasasabik na ang sambayanang Pilipino kung kalian magkikita sa kanilang kalyeserye sina Alden at Yaya Dub.

Sabi nga ni Lola Nidora (Wally Bayola), “Sa tamang panahon.”

Kailan kaya ‘yun?

May bagong karakter si Maine at possible kayang siya ang tunay na ina ni Yaya Dub?

Matinding pagsubok

Sobrang kaaliw si Wally Bayola bilang Lola Nidora.

Malaki ang kontribusyon niya sa tagumpay ng AlDub kalyeserye.

Hindi mababakas na sa kabila ng kanyang pagpapatawa ay may matindi siyang pinagdaraanan.

Sa interbyu kay Wally ni Jessica Soho sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” naipagtapat ng komedyante na ang isa sa apat (o lima ba?) niyang anak ay may kanser.

Five years pa raw bago matiyak ng doctor na cancer-free na ito.

Naka-survive na ito ng dalawang taon at patuloy pa rin ang gamutan sa anak ni Wally.

Tatlong taon pa ang hihintayin nila.

Kung iisipin, napakahirap talaga ng pinagdaraanan ni Wally.

Libu-libo ang pinatatawa niya, but deep inside he is hurting.

Kapag wala na siya sa harap ng kamera at nasa bahay na siya, sinisikap niyang maging matatag sa pagharap sa matinding pagsubok na pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

Matatandaang two years ago or so ay dumaan din sa matinding pagsubok si Wally noong nasangkot siya sa isang sex video scandal.

Dahilan para masuspinde siya sa “Eat Bulaga.”

Nang pabalikin siya sa naturang noontime show, hiya-hiyaan pa at kimi-kimian si Wally.

Hindi makatodo sa pagpapatawa.

Bawing-bawi naman siya at nakabuwelo nang todo nang maging Lola Nidora siya.

Birthday boy

Sa birthday celebration ni Ogie Alcasid sa “Happy Truck ng Bayan,” sinorpresa siya ng TV5 executives na pinangunahan ng president at CEO nasi Noel Lorenzana sa pagbati sa kanyang kaarawan.

Nag-effort ang mga big bossing ng Kapatid Network na pumunta sa Commonwealth Avenue, QC kung saan ginanap ang nakaraang Sunday episode ng HTNB para makiisa sa birthday celebration ni Ogie da pogi.

Ang iba pang TV executives na ’andun ay sina Jane Basas (Head of Media5 and FVP), Atty. Dan de Padua (SVP & Head of Programming) at Wilma Galvante (Chief Entertainment Content Officer).

Sinopresa rin si Ogie ng misis niyang si Regine Velasquez. Siyempre pa, ’andun ang tropa ng HTNB na sina Janno Gibbs, Gelli de Belen, Derek Ramsay, Jasmine Curtis-Smith, Mark Neumann, Ritz Azul, atbp.

comments