Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ex-flame Monching & Tina seeing each other

Ex-flame Monching & Tina seeing each other

ENRIQUE Gil

POSIBLE kayang magka-second chance sina Ramon Christopher at Tina Paner?

Isang taong super close sa kanila ang nagtsikang madalas daw magkita ngayon sina Monching at Tina.

Dati silang magkarelasyon na nabuo noong nasa “That’s Entertainment” sila.

Naputol ang kanilang relasyon nang pumasok sa eksena si Lotlot de Leon.

Naging magka-love team sila ni Monching hanggang nagpakasal sila.

Nakarelasyon naman ni Tina si Cris Villanueva.

Hindi sila nagkatuluyan dahil parehong non-showbiz ang naging real-life partners nila.

Naghiwalay sina Monching at Lotlot. Gano’n din si Tina and her non-showbiz husband.

May bagong boyfriend si Lotlot na isang foreigner.

Si Monching, walang nabalitang ibang babae sa buhay niya, hanggang bumalik sa bansa si Tina na nanirahan sa Spain for 12 years.

Tsika pa ng source, nang dumating si Tina sa Pilipinas a few years ago para dito na uli manirahan kasama ang kanyang daughter, kinumusta siya ni Monching.

Naging open ang kanilang communication lines. Then, nagkasama pa sila sa isang teleserye ng GMA7, kaya na-renew ang kanilang friendship.

Friendship nga lang kaya or maging love is lovelier the second time around?

Or could it be first love never dies? Parehong first love nina Monching at Tina ang isa’t isa.

Ayaw maging beauty queen

Beauty queen material si Liza Soberano. Malaki ang tsansa niyang manalo kung magdyo-join siya sa beauty contest.

But no way, big no kay Liza ang rumampa sa beauty pageant.

Anang Kapamilya star, never niyang pinangarap maging beauty queen.

Gusto niyang maging successful actress.

Marami siyang gustong ma-achieve bilang isang artista.

Wala munang love-love kahit pa ang closest guy sa puso ni Liza ay si Enrique Gil.

Nagpaparamdam daw ito, pero ayaw pa muna niyang seryosohin ang panliligaw nito.

Type ni Liza sa isang guy ay may maganda at malinis na mga paa at kamay.

’Yun ang unang tinitingnan niya sa isang lalaki.

Gano’n ba si Enrique?

“Parang hindi naman siya nagpapalinis (manicure at pedicure).

Pero malinis naman ang mga paa’t kamay niya,” saad ni Liza.

Siya ang unang celebrity endorser ng Nails.Glow (NDG) & Body SPA.

Ani Liza, she always sees to it na kahit hindi siya regular na nagpapa-nail polish, parating malinis ang kanyang mga kamay at paa.

Hindi lang daw siya nagpapatanggal ng cuticles kapag nagpapa-cleaning siya.

Twice a day siya maligo, ayon kay Liza.

Once or twice a month ay nagpapa-body scrub siya.

Hindi siya natutulog ng may make-up.

Nagba-body lotion lang siya with moisturizer.

’Yan ang beauty tips ni Liza.

Maibalik sana

Isang pulis ang role ni Coco Martin sa “Ang Probinsiyano” at aniya, gusto niyang maibalik ang tiwala ng mga tao sa mga pulis.

“Gusto ko, kapag may problema at nangangailangan ng tulong ang isang tao, ang pulis ang agad niyang tatawagin,” ani Coco sa presscon ng upcoming series niya sa ABS-CBN.

Ayon pa sa Kapamilya Teleserye King, sa panahon daw kasi ngayon, iba ang imahe sa publiko ng mga pulis (hindi naman lahat).

“Kinatatakutan sila sa ibang paraan. Sana sa pamamagitan ng serye namin ay maibalik ang magandang imahe ng kapulisan.

Malaki ang respeto ko sa kanila,” ani Coco.

comments