Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vic and Pauleen getting married in December?

Vic and Pauleen getting married in December?

Pauleen Luna

“SA tamang panahon,” ang nasabi lang ni Vic Sotto tungkol sa mga detalye ng kasal nila ni Pauleen Luna matapos niyang aminin na engaged na sila.

Inaabangan kung kailan at saan ang pinakahihintay na kasalang Sotto at Luna.

Ayon sa ilang tsika, diumano’y sa December this year magaganap.

May tsika pang diumano’y posibleng bumili si Pauleen ng kanyang wedding gown sa United States.

A few days ago ay bumiyahe siya patungong US para dumalo sa kasal ng isang kamag-anak.

’Yun daw engagement ring na ibinigay ni Vic kay Pauleen ay nagkakahalaga diumano ng P1.5 million.

Seryoso talaga si Vic sa relasyon nila ni Pauleen.

Sa dinami-rami ng naging girlfriend niya matapos maghiwalay sila ng first wife niyang si Dina Bonnevie ay magpapakasal siya for the second time.

Sa huling interbyu namin kay Pauleen sa taping ng “The Rich Man’s Daughter,” very confident na sinabi niyang sigurado siyang sa kasalan mauuwi ang relasyon nila ni Vic. Simple wedding lang ang gusto nila.

May tsika pa kaming nasagap na may ipinagagawang bahay sina Vic at Pauleen na magiging love nest nila pagkatapos ng kanilang kasal.

Magkita na kaya?

Inaabangan ngayong Sabado kung finally ay magkikita na sina Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza).

Excited ang lahat sa magiging kaganapan dahil parehong pumasok sa wild card round sina Alden at Yaya Dub, kaya silang dalawa ang maglalaban.

Pumayag na si Lola Nidora (Wally Bayola) na magkita sina Alden at Yaya Dub sa tatlong kundisyon.

Isa’y hindi dapat sila magkita sa Broadway Centrum kung saan gaganapin ang labanan para sa “Bulaga Pa More!”

Paano kaya ’yun? Magtataguan sina Alden at Yaya Dub?

May tweet si Joey de Leon:

“Wag kukurap, isang kisap na lang at yakap na sarap para sa lahat at sa katapat ay saklap.

Agap sa paghaharap!

#ALDUBBaeYaya#EatBulaga.”

Matuloy kaya ngayong Sabado ang paghaharap nina Alden at Yaya Dub?

Baka naman “hopia” o nganga na naman ang followers ng AlDub?

Nag-trending

Nag-trending ang unang paglabas ni Megan Young sa “MariMar,” kaya sobrang thankful siya sa mga sumuporta sa pilot week airing nito hanggang lumabas ang karakter niya.

Aniya, nakakataba ng puso ang patuloy na suporta na natatanggap nilang lahat (stars and production staff).

“You guys are the best!” bahagi ng tweet ni Megan.

Ang lakas ng screen chemistry nila ni Tom Rodriguez who plays Sergio Santibañez.

May kilig factor.

’Kaaliw ang asong si Fulgoso na isinasaboses ng komedyanteng si Boobay.

Tutok lang gabi-gabi (Monday to Friday) sa “MariMar” pagkatapos ng “24 Oras” “sa GMA Telebabad.

comments