Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ryzza naisantabi ng AlDub

Ryzza naisantabi ng AlDub

alden richards

WALA kaming masabi sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Alden Richards.

Hindi naman masasabing singer siya talaga, pero nakakabilib na agad-agad ay nag-Number One sa iTunes Philippine Top Singles ang single niyang “Wish I May.”

Tinalo pa diumano ng Pambansang Bae ang singles ng international artists na sina Taylor Swift at Justin Bieber.

Truly, nakaka-proud ang Kapuso actor.

By the way, hindi na talaga maawat ang kasikatan ng AlDub love team.

May product endorsements na rin sina Alden at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza).

Endorsers sila ng isang fast food chain at Talk ‘n Text.

’Yun nga lang, magkahiwalay pa rin ang TVC shoot nina Alden at Yaya Dub.

Sa split screen pa rin sila magkikita tulad ng kanilang kalyeserye sa “Eat Bulaga.”

Pinarangalan naman ng Eduk-Circle Awards ang AlDub bilang Most Popular Breakout Love Team of the Year.

Naisantabi na?

Halos wala nang exposure si Ryzza Mae Dizon sa “Eat Bulaga.”

Pasulput-sulpot na lang siya, o wala siya talaga.

Hindi gaya nang dati na kasama siya sa ilang segments ng EB at talagang inaabangan si Aling Maliit.

Siya ang kinagigiliwang panoorin ng televiewers.

Pero dahil sa AlDub fever, aminin man o hindi, tipong naisantabi na si Aling Maliit.

Ang AlDub ang bukambibig ngayon at nagte-trending pa worldwide.

Weather-weather lang talaga ang kasikatan sa showbiz.

Kailan nga ba ipalalabas ang teleseryeng pagsasamahan nina Ryzza at Aiza Seguerra?

Pareho silang produkto ng “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga.”

Simple wedding

So what kung simple wedding lang ang magaganap kina Vic Sotto at Pauleen Luna?

Never nilang plinano na talbugan ang engrandeng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December last year, maski ang kasal nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista last February this year.

Talagang pinag-usapan at pinagkumpara ang showbiz weddings na ‘yun.

Ang pinakamahalaga kay Pauleen, pakakasalan na siya ni Vic.

Marami kasi ang nagdudang walang magaganap na kasal sa kanila.

Matutulad lang daw si Pauleen sa mga babaeng nakarelasyon noon ni Vic na after ilang years ay naghiwalay din.

And the winner is….Pauleen Luna! Siya ang magiging official Mrs. Vic Sotto na balitang sa November o December ang special day for them.

Hindi kaya mangarag sa kanilang wedding preparations si Vic?

Meron siyang movie with AiAi delas Alas na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Sigurado nang kasama sa cast si Alden Richards, pero si Yaya Dub, diumano’y wala pang katiyakan.

Madidisappoint ang AlDub fans kapag hindi nakasama si Maine sa pelikula.

This month na magsisimula ang shooting. Magiging busy din si Vic sa promotion at sa gaganaping MMFF Parade of Stars.

Sabagay, simple wedding lang naman ang sa kanila ni Pauleen at baka ipaubaya na lang ni bossing sa kanyang bride-to-be ang pag-aasikaso.

For sure naman, may wedding coordinator sila.

May guest appearance kaya si Pauleen sa MMFF movie ng kanyang groom-to-be?

comments