Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Michael on Ken: ‘I saw an actor there’

Michael on Ken: ‘I saw an actor there’

Michael De Mesa

ALL’S well na between Piolo Pascual and KC Concepcion. Nagkabati sila noong nag-show ang ASAP 20 sa London.

Nagkabati na rin sina KC at Paulo Avelino na kasama rin sa London.

Parehong ex-boyfriends ni KC sina Piolo at Paulo sa magkaibang panahon.

Parehong hindi maganda ang paghihiwalay nina Piolo at KC, Paulo at KC.

Base sa lumabas na picture nina KC at Piolo, mukhang sweet-sweetan ang ex-lovers. May spark pa kaya?

May ma-rekindle kayang old flame? Magkaroon kaya ng second chance sina Piolo at KC?

Kung hindi sana tumuloy si KC sa Paris mula sa London, ano’ng malay natin, baka sila pa ni Piolo ang magka-date sa gaganaping Star Magic Ball.

Sabi kasi ni Piolo sa isang interbyu ay wala siyang ka-date.

Sa October pa ang balik ni KC sa Pilipinas dahil may aasikasuhin siya sa Paris, kaya wala siya sa Star Magic Ball.

Pagbalik kaya ni KC, maging open na rin kaya ang communication lines nila ni Piolo?

O, hindi kaya hanggang London lang ’yung pagbabati nila?

Abang-abang nalang pag may time kung magkakaroon ng karugtong ang kahapon nina Piolo at KC.

Behaved na

Gay role ang gagampanan ni Michael de Mesa sa “Destiny Rose.” Maraming beses na siyang nakaganap ng gano’ng role.

Minamani lang niya ang gano’ng karakter na pagdududahan mo ang tunay niyang kasarian.

Pero sa mga lubusang nakakakilala kay Michael, lalaking-lalaki siya at playboy noong kabataan niya.

Maraming beses silang naghiwalay-nagkabalikan ni Gina Alajar dahil sa pagiging babaero noon ni Michael.

But now, behaved na si Michael at mukhang one-woman man na since nakapag-asawa siya ng non-showbiz girl.

Nana-natili namang single ang ex-wife niyang si Gina.

Civil naman sila kapag nagkikita sila, ayon kay Michael. Okey rin sa kanya na maidirek siya ng kanyang ex-wife sa isang project, lalo pa’t pareho silang nagtatrabaho sa GMA7.

Launching project ni Ken Chan ang “Destiny Rose” at isang transwoman ang kanyang role.

“I saw an actor there,” sambit ni Michael sa napanood niyang trailer ng DR noong presscon.

Aniya pa, saktong timplada ang treatment ni Ken sa karakter nito.

’Yung iba raw kasing actor ay OA (overacting). Hindi pa sila nagkakaeksena ni Ken at looking forward si Michael sa mga eksena nila together.

“Destiny Rose” premieres on Monday, Sept. 14, after “Buena Familia” on GMA Afternoon Prime.

In love pa more

Habang nalalapit ang panga-nganak ni Marian Rivera sa November, aniya, in love pa more siya sa mister niyang si Dingdong Dantes.

Mas lalo raw itong maalaga at maasikaso sa kanya at araw-araw ay ipinapadama nito sa kanyang mahal na mahal siya nito.

Nakikita rin ni Marian kung paano magiging isang mapagmahal at mabuting ama si Dingdong sa isisilang niyang baby girl. Tweet ng Kapuso Primetime Queen: “Para sa isang malapit nang ma-ging ama na pumili ng damit para sa kanyang anak na babae….

Haaay lalong nakaka-in love.

Talagang magiging Daddy’s Little Girl… Napaka-sweet na daddy.”

comments