Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pagwawala ni Enrique may epekto sa LizQuen?

Pagwawala ni Enrique may epekto sa LizQuen?

ENRIQUE Gil

MALE counterpart ni Melissa Mendez si Enrique Gil na nasangkot din sa isang kaguluhan sa eroplano.

Remember ang “clouds” pakiyeme ni Melissa na dahil sa kanyang kalasingan ay nagwala sa eroplano?

Pinag-uusapan ang diumano’y gulong nilikha ni Enrique sa loob ng eroplanong sinakyan niya kasama ang ibang Kapamilya stars on their way to London para sa ginanap na ASAP 20 show.

Balitang dahil sa kalasingan ni Enrique ay kinulit-kulit niya si Jessy Mendiola, dahilan para awatin siya ni Luis Manzano.

Kung kasama kaya sa flight na ’yun si JM de Guzman na boyfriend ni Jessy, ano kaya’ng naging scenario? Di kaya nagkarambulan sila ni Enrique?

Damay rin si Liza Soberano na diumano’y pinagsalitaan ng hindi maganda ni Enrique nang awatin siya ng dalaga.

Diumano’y sinampal ni Liza si Enrique.

Pero sa isang report na lumabas, hindi naman daw ginawa ’yun ni Liza.

Ano kaya ang maging epekto ng pagwawala ni Enrique sa love team nila ni Liza?

Wholesome image pa naman ang dating ni Enrique at may pogi points na sana siya kay Liza at sa parents nito.

Nabuking tuloy ang other side ni Enrique. Sabagay, tao lang siya na nagkakamali rin.

Sina Jake Cuenca at Paulo Avelino ang diumano’y itinuturong nagpainom kay Enrique, kaya nalasing ito.

Subalit kapuwa itinanggi nina Jake Cuenca at Paulo Avelino na may kinalaman sila sa nangyari.

Sabi ni Jake, tulog daw siya sa kabuuan ng flight nila.

Sabi naman ni Paulo, makakabuting si Enrique na lang ang tanungin tungkol sa nangyari.

Playing safe si Paulo?

Wala lang

Nang tanungin naman si Paulo Avelino tungkol sa pagkikita nila ni KC Concepcion noong nagkasama sila sa London para sa ASAP show, parang wala lang ’yun sa Kapamilya actor.

Aniya, nag-usap lang daw sila ni KC. ’Yun lang ’yun!

Dati na naman daw silang nag-uusap kapag nagkikita sila.

Civil sila sa isa’t isa, ayon pa kay Paulo.

Walang nai-post si KC sa kanyang social media account tungkol sa pagkikita nila ni Paulo sa London.

Pero nag-post ang dalaga tungkol sa pagkikita nila ni Piolo Pascual na tipong kilig-kiligan pa si KC.

’Yun na!

Nag-resign na

Nag-resign na si Ms. Wilma Galvante bilang Chief Entertainment Content Officer ng TV5.

Subali’t magiging bahagi pa rin siya ng Kapatid Network at siya ang line-producer ng “Happy Truck ng Bayan” at “Wattpad Presents.”

Bumuo ng sarili niyang kumpanya si Ms. Galvante at pwede rin silang magbigay ng kanilang serbisyo sa ibang network.

Mall show

May mall show ngayong Linggo sa Xentro Mall Lemery, Batangas at 5 p.m. sina Megan Young, Dion Ignacio at Tom Rodriguez.

Sugod, mga Kapuso, at makisaya sa “MariMar” stars.

comments