Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » JM at Jessy pinagbawalang dumalo sa Star Magic Ball

JM at Jessy pinagbawalang dumalo sa Star Magic Ball

JESSY Mendiola

MABUTI na nga sigurong hindi pinapunta sina JM de Guzman at Jessy Mendiola sa nakaraang Star Magic Ball.

’Heard na diumano’y pinagbawalan ang dalawa para iwas-gulo kapag nagkita sina JM at Enrique Gil.

Hindi nga naman nakakasiguro kung ano’ng pwedeng gawin ni JM kay Enrique.

Marami pa naman ang nag-abang sa magiging scenario kung dumalo rin sina JM at Jessy sa naturang event.

Nag-post si Jessy sa kanyang Facebook account na dream pa naman niyang pumunta sa naturang event kasama ang lalaking mahal niya (obviously si JM ’yun).

Walang kontrobersiyang naganap at ang pinag-usapan ay ang pabonggahan ng gowns ng mga female Star Magic talents na ’yung iba’y hindi nakaligtas sa pang-ookray ng netizens.

Nag-sorry na si Enrique sa naging misbehavior niya sa airplane incident, pero si Jessy na hinarass at kinulit ni Enrique ay bina-bash pa rin (obviously ng supporters ni Enrique) dahil sa ipinost niya sa kanyang social media account.

Hindi man siya nagbanggit ng pangalan, tukoy namang si Enrique ’yun.

Ang mommy ni Jessy ang sobrang affected sa pamba-bash sa kanyang anak.

Diumano’y nagbabalak itong magdemanda.

Hindi naman siguro magpapabaya ang Kapamilya Network at aayusin nila ang gulo kina Enrique at Jessy.

Mukhang naayos na ang gulo kina Enrique at Liza Soberano dahil sila ang magka-date sa Star Magic Ball.

Nakiusap pa si Liza sa kanilang fans na sana’y patuloy pa ring suportahan ang LizQuen love team.

Pararangalan

Hindi kaya napuwersa ang lalamunan ni Nora Aunor sa guesting niya sa “Sunday PinaSaya”?

Todo ang sigaw niya sa challenge sa kanya ni Wally Bayola (alyas coach Cynthia) sa kakaibang aktingan.

May mga pamosong linyang binitiwan si Guy mula sa ilang pelikulang ginawa niya tulad ng “May brother is not a pig” at “I did not kill anybody.”

Nag-make faces pa ang superstar kaya tipong comedy ang dating.

Guest pa more sa GMA shows ang hiling ng Noranians.

Sayang at hindi pa pwedeng kumanta si Guy.

Hanggang aktingan lang muna siya. Abangan siya sa isang episode ng “Magpakailanman.”

By the way, pararangalan si Guy ng Gawad CCP (Cultural Center of the Philippines) sa event na gaganapin ngayong Huwebes (Sept. 17).

Pararangalan siya para sa Sining for Film and Broadcast Arts.

Inaasahan ni Guy na dadalo lahat ang mga mahal niya sa buhay, lalo na ang mga anak niyang sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.

Dumalo kaya si Ian kahit hindi nakapunta sa kasal niya ang kanyang mommy Guy?

Tumaba lang, di buntis

Para siguro patunayang hindi siya buntis, medyo labas nang kaunti ang tiyan ni Pauleen Luna sa suot niyang blouse noong Lunes sa “Eat Bulaga.”

Kagagaling lang niya mula United States kung saan dumalo siya sa kasal ng isang pinsan niya.

Tumaba si Pauleen, kaya natsikang buntis siya na mariin niyang itinanggi.

Panay raw kasi ang kain niya noong nasa US siya kaya tumaba siya.

Guest si Pauleen sa pilot telecast ng “CelebriTV,” hosted by Joey de Leon, Lolit Solis, and Ai-Ai de las Alas.

Kapalit ito ng “Startalk” na nagpalabas ng farewell episode last Saturday (Sept. 12).

Abangan kung may ibabahagi siyang detalye tungkol sa kasal nila ni Vic Sotto.

Sabi kasi ni bossing, bago matapos ang Year of the Goat ito nakatakda.

So, malamang next year ang kanilang wedding.

comments