Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Cristine Reyes engaged

Cristine Reyes engaged

CRISTINE Reyes

ENGAGED na rin si Cristine Reyes sa mixed martial arts (MMA) fighter boyfriend niyang si Ali Khatibi.

Mukhang mauunahan pa niyang magpakasal ang kanyang ate Ara Mina na gaya ni Cristine ay may baby na rin, courtesy of Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Too bad na naghiwalay sila matapos mabinyagan ang kanilang daughter named Mandy.

Baby girl din ang anak nina Cristine at Ali named Amarah, seven months old.

Wala pang detalye kung kailan ang kasal nila.

Si Cristine ang pangatlong celebrity na umaming engaged ngayong taong ito.

Nauna si Vic Sotto, pero wala pa ring detalye tungkol sa kasal nila ni Pauleen Luna. Sumunod si Zsa Zsa Padilla sa boyfriend niyang si Architect Conrad Onglao. Sa Paris, France ang kanilang kasal next year.

Pwede nang mag-GF

Sabi ni Piolo Pascual, pwede na siyang mag-girlfriend.

Eighteen years old na kasi ang anak niyang si Iñigo Pascual.

Nag-promise si Piolo na magge-GF lang siya kapag 18 na si Iñigo.

Inaabangan kung sino ang magiging GF ni Piolo.

Ang huling nakarelasyon ay si KC Concepcion.

Nagkabati na sila noong ASAP show nila sa London.

Sabi ni Piolo, bago pa ’yun ay nagkaayos na sila ni KC noong namatay ang Lola Elaine Cuneta nito.

Nag-effort siyang makipagbati kay KC.

Magka-second chance kaya sina Piolo at KC? Only heaven knows.

Sa pagkaalam namin, isang foreigner ang ka-“somethingan” ngayon ni KC.

Hindi kaya siya nakipagkita sa guy na ’yun noong nagpunta siya sa Paris, France matapos ang kanilang ASAP show?

’Heard, may inasikaso roon si KC. May tweet pa siyang handa na siyang magpakasal anytime kapag nahanap na niya si Mr. Right.

Nasa marrying age na si KC. She’s turning 29 (or 30?) in April next year.

Ang mommy nga niyang si Sharon Cuneta, 18 years old noong nagpakasal sa kanyang daddy Gabby Concepcion.

Nakaka-relate

Tatlo ang anak ng estranged couple na sina Ricky Davao at Jackielou Blanco.

A boy and two girls.

Sa presscon ng “Destiny Rose,” inamin ni Jackielou na may anak siyang belong sa LGBT community.

Aniya, tanggap at suportado niya ito.

Mahal na mahal niya kahit ano pa ang gender ng anak niya.

“Gano’n talaga ang mga nanay.

Unconditional ang pagmamahal sa anak,” saad ni Jackie.

Nakaka-relate nga siya sa kuwento ng “Destiny Rose” na pinagbibidahan ni Ken Chan.

Masasaksihan niya ang transformation nito bilang Joey hanggang maging Destiny Rose.

Si Miggs Cuaderno ang gumaganap bilang batang Joey at ayon kay Ken, big challenge sa kanya ang acting ng bagets.

Ang galing daw ni Miggs kaya kailangang galingan din niya kapag lumaki na ang karakter nito na gagampanan niya.

Panalo sa rating ang pilot episode ng DR noong Lunes (Sept. 14) at nag-trending nationwide.

Maganda ang feedback sa pilot week nito ngayon.

Tampok din sa “Destiny Rose” sina Manilyn Reynes, Katrina Halili, Sheena Halili, Michael de Mesa, Joko Diaz at Jerick Gonzales.

Sa direksiyon ni Don Michael Perez, napapanood ito at 4:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Buena Familia.”

comments