Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kris umamin sa mga anak

Kris umamin sa mga anak

Kris Aquino

SA presscon ng “Etiquette for Mistresses,” sinabi ni Kris Aquino na wala siyang itinatago sa anak niyang si Bimby.

Lantad sa publiko na nakarelasyon niya sina Phillip Salvador at Joey Marquez sa magkaibang panahon.

Si Phillip ang biological father ni Joshua, panganay na anak ni Kris.

Si James Yap naman ang biological father ni Bimby.

Ani Kris, hindi madali ang maging kabit.

May mga bagay noon na hindi pa plantsado nang pasukin niya ang gano’ng relasyon.

That time kasi, hindi pa annulled ang kasal ni Phillip sa non-showbiz wife nito, gano’n din si Joey kay Alma Moreno.

Pinagdaanan naman niya sa ex-husband niyang si James noong nagloko ito.

“I paid for all the consequences three times,” ani Kris. Painful daw ‘yung prosesong annulment ng kasal nila ni James.

“Mahal, mahirap, masakit balikan ‘yung isyu sa aming dalawa,” saad ni Kris.

Ayaw niya sanang tanggapin ang alok ng Star Cinema para gawin ang “Etiquette for Mistresses” dahil nag-alala siya na baka maapektuhan ang product endorsements niya.

“Pero sabi sa akin ni Tita Malou (Santos), magsisisi ako kapag hindi ko tinanggap.

Nag-usap kami ni direk Chito Roño at sinabi ko na kahit kabit ang role ko, gusto ko’y may redeeming value,” lahad ni Kris.

Di nagkabalikan

Sa presscon pa rin ng “Etiquette for Mistresses, nilinaw ni Kris na hindi sila nagkabalikan ni QC mayor Herbert Bautista.

Aniya, several times itong dumalaw sa set ng “Etiquette for Mistresses.”

“We’re friends,” ani Kris.

Tuloy pa rin ang movie niya para sa Metro Manila Film Festival, pero ani Kris, may changes na kailangan pa ang approval ng MMFF executive committee. May idadagdag sa cast.

Hindi sinabi ni Kris kung aalisin o kasama pa rin sa cast si mayor HB.

Tungkol sa “Aquino & Abunda Tonight,” aalis na siya sa naturang show for health reasons.

Sa Monday (Sept. 21) ay magre-report na siya, pero hanggang Friday (Sept. 25) na lang sila magkakasama ni Boy Abunda.

Magso-solo na si Boy at magiging “Boy Abunda Tonight” or “Tonight with Boy Abunda” ang title.

No comparison

Ngayong Sabado na, pagkatapos ng “Wish Ko Lang” ang pilot telecast ng “CelebriTV” sa GMA7 na anang director na si Phillip Lazaro, kakaiba ito sa “Startalk.”

Wala silang planong tapatan ito o lampas an ang 20 years nito sa ere.

“No comparison.

This is something different,” ani direk Phillip.

Aniya pa, iso-showcase ang pagiging genius ni Joey de Leon sa comedy, itsa-challenge ni Ai-Ai delas Alas ang guest celebrity at pang-gulo si Lolit Solis.

Sina Willie Revillame at Alden Richards ang guests.

Iinterbyuhin ni Joey si Willie, may challenge naming gagawin sina Ai-Ai at Alden sa kanyang “Ai Challenge segment.”

Ani Ai-Ai, dream niyang i-challenge sina Governor Vilma Santos-Recto (self-confessed Vilmanian ang Philippine Comedy Queen), Vic Sotto at Joey de Leon.

For 20 years ay naging bahagi si Lolit ng “Startalk,” kaya aniya, sobrang nalungkot siya sa pagkawala nito sa ere.

“Dahil sa “Startalk” ay naibalik ang confidence ko.

Nabuo ako uli.

Durug-durog ako noon after ng Manila Film Festival (1995) scam.

Bait-baitan ako noon. Binigyan ako ng chance makabangon sa “Startalk.”

Naging maldita na naman ako (laughs),” wika ni Lolit.

So, tuloy pa rin kaya ang pagmamaldita niya sa “CelebriTV”?

Joke!

comments