Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vic, Pauleen building new house in Laguna

Vic, Pauleen building new house in Laguna

vic n pauleen orig

May venue na ang kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Hindi nga lang sinabi ni Pauleen sa interbyu sa kanya sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” kung saan at kung kailan.

Pinag-uusapan pa nila ni Vic ang bubuo ng wedding entourage at kasama rito si Ryzza Mae Dizon na flower girl.

Ani Pauleen, matagal nang biruan nila ‘yun ni Ryzza na kapag ikakasal sila ni Vic ay ito ang flower girl.

Babe ang tawagan nina Vic at Pauleen, ayon kay future Mrs. Vic Sotto.

Pag-amin ni Pauleen, maging siya’y nagulat na pakakasalan siya ni Vic.

Sinabi kasi ni Jessica na hindi naman ito marrying kind.

Nang tanungin ni Jessica si Pauleen kung bakit siya na-in love kay Vic despite their age gap, aniya, ipinaglaban siya ni Vic sa kanilang journey.

Maraming hirap silang pinagdaanan noon.

Besides, malapit siya talaga sa mga taong older sa kanya.

Old soul siya, ani Pauleen. Maski sa music, old songs ang gusto niya.

About her showbiz plans, posibleng magpatuloy siya sa “Eat Bulaga” kahit may asawa na siya, ayon kay Pauleen.

Hindi na siya magteteleserye para magkaroon sila ni Vic ng more time for each other.

Nabanggit pa ni Pauleen na malapit nang matapos ang ipinapagawa nilang bahay.

December last year sinimulan ang construction nito somewhere sa isang exclusive village sa Laguna.

Mas sisikat daw

Pinahulaan ni Korina Sanchez sa isang manghuhula si Cristine Reyes na guest niya sa “Rated K,” with her partner Ali Khatibi. Sabi ng manghuhula, mas lalong sisikat si Cristine ngayong may anak na siya.

Seven months old na ang baby nila ni Ali na si Amarah.

Mas lalo raw magiging masaya ang buhay may asawa ni Cristine.

Nagpaplano na sina Ali at Cristine ng isang beach wedding.

Inuna lang nila ang pagpapagawa ng bahay at malapit na itong matapos.

Abangan na lang kung magkaka-totoo ang hula kay Cristine.

May mga bago nang sexy stars ngayon na walang kiyeme magpaka-daring.

Si Cristine, may self-imposed limitations na siya. Ayaw na niya ng sexy role dahil may anak na siya.

So, aktingan na lang kaya ang ipanlalaban niya?

Magiging Kapamilya na?

“Dito!” ang walang kagatul-gatol na sagot ni Sarah Lahbati nang tanungin siya ni Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice” kung saan ang gusto niya, sa kabila (meaning GMA7) o dito (ABS-CBN)?

Ani Sarah, maraming ipinapagawa sa kanya (ABS-CBN) na hindi niya akalaing magagawa niya.

Maano man lang na sinabi niyang tumatanaw pa rin siya ng utang na loob sa GMA dahil doon siya nagsimula.

Ultimate Female Survivor si Sarah ng “Starstruck 5 .”

May tampo o bitter-bitteran pa rin kaya si Sarah kahit nagkaayos na sila ng GMA at natapos ang kontrata niya sa network?

Madalas ang guesting ni Sarah sa mga programa ng ABS-CBN at posibleng maging Kapamilya na rin siya.

Sabi ni Vice, nakita ng ABS-CBN na marami pang magagawa si Sarah.

Kumbaga, mae-explore pa more ang kanyang talents.

Magseselos

Mamaya sa “MariMar,” pagseselosin ni Angelika (Jaclyn Jose) si MariMar (Megan Young).

Ipapakita niya ang sweet photos nina Sergio (Tom Rodriguez) at Antonia (Lauren Young) noong mag-on pa ang mga ito.

Sa Fashion Event, lalasingin ni Angelika si MariMar.

comments