Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aktor at aktres, pabebe

Aktor at aktres, pabebe

Megan Young

In-acknowledge naman pala at pina-salamatan ni Sarah Lahbati ang GMA7 noong nag-guest siya sa “Gandang Gabi Vice.”

Marami ang bumatikos sa kanya noong hindi man lamang niya nabanggit ang network na pinanggalingan niya at sinabi pa niyang mas gusto niya sa ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram account, ipinaliwanag ni Sarah na hindi niya alam kung bakit hindi nai-ere ang sinabi niya, pero nasa on line raw ang uncut version nito.

Bahaging post niya sa kanyang IG: “Sa lahat ng na-disappoint kung bakit hindi ko in-acknowledge ang network napinanggalingan ko, ginawa ko po ‘yun, nagpasalamat ako at sinabing wala ako dito ngayon kung hindi sa kanila at sa tulong nila.”

Mabuti nalang, may social media kung saan malayang nakakapagpahayag ang mga celebrity kapag may isyu sa kanila.

Pabebe

Sobrang happy at thankful si Megan Young sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa “MariMar.”

Bukod sa magandang ratings nito, nagtetrending pa gabi-gabi.

“Natutuwa ako.

To be honest, hindi ko talaga ini-expect.

Basta ang nasaisip ko lang ay gagalingan na lang namin at ie-enjoy ang experience namin.

I’m very thankful sa mga patuloy na sumusuporta.

Ang daming nakaka-excite na mangyayari,” saad ni Megan.

This week, nagsimula ang buhay may-asawa nina Marimar at Sergio.

Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Sergio kay Marimar, patuloy naman ang pagngingitngit ng mag-inang Angelika (Jaclyn Jose) at Antonia (Lauren Young).

Off-camera ay magkasundo sina Megan at Jaclyn Jose. “Tita Jane (Jaclyn) is very nice.

She always gives me pointers. She’s always there to support sa mga nangyayari sa set,” ani Megan.

Ang real-life sister naman niyang si Lauren ay inaasar at kinukulit siya off-camera.

Ginagaya siya at pabebe raw siya sa kanyang pademure at painosenteng karakter.

Swak

Swak talaga kay Ken Chan ang role niya sa “Destiny Rose.”

Agree kami sa sinabing co-star niyang si Michael de Mesa na tamang timpla lang ang pag-atake ni Ken sa kanyang karakter. Hindi OA (over acting), konting pabebe lang.

Napapamahal na sa televiewers ang “Destiny Rose” na nag-te-trending araw-araw ang afternoon prime na itong GMA7.

Maganda rin ang ratings nito.

Labas na this week ang karakter ni Fabio Ide bilang Gabriel na magiging love interest ni Ken.

Magiging kaagaw niya si Katrina Halilina magpapanggap bilang Joey (Ken).

Debutante

Excited nasi Bea Binene sa kanyang debut in November this year.

Busy na siya sa paghahanda para sa gaganaping 18th birthday party niya.

Sa isang TV special na mapapanood ngayong Sabado, “Legally B.”

Ibabahagi ni Bea ang ilang kaganapan sa kanyang debut party.

Abangan kung sino ang designer ng kanyang gown at sino-sino ang bubuo sa 18 roses at 18 treasures.

comments