Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jessy denies break-up with JM

Jessy denies break-up with JM

jm de guzman and jessy mendiola

Sa isang TV interview, itinanggi ni Jessy Mendiola na break na sila ni JM de Guzman. May mga ispekulasyon kasi na naghiwalay sila dahil sa post ni Jessy sa kanyang Instagram account na bagaman hindi niya pinangalanan, inisip ng mga nakabasa na patungkol niya ‘yun kay JM.

Naipost ni Jessy na may tao siyang gustong makasamang dumalo sa nakaraang Star Magic Ball.

Pero iniwan siya nito at mas naniwala sa sinabi ng ibang tao.

Ipinaliwanag din ni Jessy na hindi sila nagpunta ni JM sa naturang event ng Kapamilya Network para maiwasan ang intriga o anumang gulo na posibleng mangyari.

Kaugnay ‘yun ng kontrobersiyang kinasangkutan nina Jessy at Enrique Gil sa airplane incident.

Tatanggalin?

How true naman kaya ang tsika na diumano, namomroblema ang staff ng isang Kapamilya teleserye kung saan nasa cast si JM de Guzman? Diumano, kapag nasa set si JM ay parating natutulog.

Nahihirapan diumano ang staff gisingin ang actor kapag kailangan na siyang kunan ng mga eksena.

May tsika pa na diumano, pinag-iisipan nang tanggalin si JM sa “All of Me” at ibabalik daw ang karakter ni Albert Martinez.

Nang nakausap naman si Albert ng isang entertainment writer, aniya clueless siya kung may ganoong plano ang production staff.

Wala raw naman kumakausap sa kanya.

May tsika ring diumano, papalitan ni Jericho Rosales si JM sa “Walang Forever,” entry sa 2015 Metro Manila Film Festival. Si Jennylyn Mercado ang lead actress dito.

How true, natakot diumano si Jen kay JM? Balitang may pinagdaraanan na naman ngayon ang Kapamilya actor.

Kung anuman ‘yun, nawa’y malampasan niya muli.

At sana, huwag niyang sayangin ang second chance na ibinigay sa kanya ng mga taong malaki pa rin ang tiwala sa kanya sa kabila ng pinagdaanan niya noong nakaraang taon.

Man of the hour

Man of the hour talaga ngayon ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Hindi matatawaran ang tinatamasa niyang kasikatan nga-yon. Kabi-kabilaang guesting niya sa GMA shows.
Matapos i-replay sa “Magpakailanman” ang kanyang buhay (The Alden Richards Story) na mataas pa rin ang nakuhang rating, ini-replay naman sa GMA News TV ang “Ilustrado” na tinampukan din ni Alden.

Napapanood ngayon ang naturang mini-series at maganda rin ang pagtanggap ng televiewers.
Kahit araw-araw napapanood si Alden sa “Eat Bulaga” (Monday to Saturday) at sa “Sunday PinaSaya,” hiling pa rin ng kanyang fans na bigyan siya ng GMA ng teleserye. May project sana for Alden and Janine Gutierrez, pero dahil pumatok ang AlDub love team nina Alden at Yaya Dub (Maine Mendoza), isinantabi muna ito.

Mall show

Abangan ngayong Linggo at 5 p.m. ang stars ng “MariMar” na sina Megan Young, Tom Rodriguez at Dion Ignacio sa Muntinlupa City.

May mall show sila sa SM Center.

Sugod mga Kapuso at mag-enjoy sa sayang ihahatid ng Kapuso stars.

comments