Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Yaya Dub nagsasalita na?

Yaya Dub nagsasalita na?

9yaya dub

Nasaan na kaya ngayon si Mary Jane?

Siya ang unang babaeng pinagtuunan ng pansin ni Coco Martin?

Married na kaya siya ngayon o single pa rin, gaya ni Coco?

Sa interbyu ni Boy Abunda sa Kapamilya actor sa “Tonight with Boy Abunda,” sinabi niyang Grade 5 siya noon.

Since then, wala na silang communication ni Mary Jane.

Ano kayang reaction ni Mary Jane sakaling napanood niya o nakarating sa kanya ang public confession ni Coco?

She must be very proud (at kilig-kiligan pa kaya?) dahil hindi pa rin siya nakakalimutan ni Coco.

College naman si Coco nu’ng naranasan niya ang unang heartbreak.

Aniya, ipinagpalit siya ng girl sa ibang guy.

Hindi binanggit ni Coco ang name ng kanyang first girlfriend.

Nasaan na kaya ’yun ngayon?

May pagsisisi kaya na ipinagpalit niya si Coco sa ibang guy?

Nang papiliin naman si Coco between Maja Salvador and Julia Montes, hindi sinagot ni Coco at dinaan lang sa tawa.

Tinanong din siya ni Boy kung maputi o maitim. Maputi ang sagot ni Coco.

O, di ba, maputi si Julia?

’Yun na! Abang-abang nalang kung kailan finally aamin si Coco.

First time

Sa New York pa nag-shoot sina Jennylyn Mercado at Sam Milby ng “The Prenup,” first movie nila together under Regal Entertainment.

Natapos ang pelikula na hindi nabalitang nagkadebelopan or what sina Jen at Sam.

Sabagay, hindi naman kailangang pilitin para lang sa promotion ng kanilang movie.

Napaka-hard sell naman nu’n.

Si Jun Lana ang director ng “The Prenup” at tampok pa rin sina Melai Cantiveros, Jaclyn Jose, Freddie Webb, Dominic Ochoa, Ella Cruz at Gardo Versoza. Showing ito on Oct. 14.

Marami ang makaka-relate sa tema ng pelikulang tungkol sa pre-nuptial agreement ng mga taong magpapakasal, lalo na ang mayayaman.

May mga magulang na tutol sa mapapangasawa ng kanilang anak kung hindi nila ka-level ang antas ng pamumuhay ng pamilya nito.

Hataw ang career ngayon ni Jennylyn na itinanghal ding number one Sexiest Pinay ngayong 2015 ng isang glossy magazine.

Bukod sa “The Prenup,” may festival movie rin si Jen sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang “Walang Forever” with Jericho Rosales. Pinalitan niya si JM de Guzman na balitang may personal issue na naman.

Nagsasalita na

Palaisipan kung tunay na boses ni Yaya Dub (Maine Mendoza) ang naririnig kapag nagsasalita siya sa AlDub kalyeserye nila ni Alden Richards.

Manaka-naka kasi’y parang hindi nagda-dubsmash si Yaya Dub sa palitan nila ng kanta ni Alden.

May pahiwatig pa ang mga kasama nilang sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo na swak sa bukang bibig ni Yaya Dub ang sinasabi niya. ’Yun din ang pansin ni Allan K.

Mukhang malapit-lapit nang tuluyang magsalita si Yaya Dub.

Hindi kaya ’yun ang susunod na pakabog ng “Eat Bulaga”?

Grabe ang fans ni Yaya Dub.

Kitang-kita sa TV noong nagpunta sila nina Jose Manalo at Wally Bayola sa isang barangay.

Heavily guarded si Yaya Dub habang naglalakad. Mga matitipunong lalaki ang nakapaligid sa kanya para masigurong hindi siya malapitan.

Nag-human barricade pa noong kausap nina Jose at Wally ang isang ginang na may special child at asawang security guard.

Pati bubong ng isang establishment, puno ng tao.

Binanggit pa ni Jose na sakabilang side na palibot ng barb wire ay may mga tao rin.

Grabe ang hatak at karisma sa crowd ni Yaya Dub. Ikaw na talaga!!!

comments