Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Biggest threats to ‘Starstruck’ finalists named

Biggest threats to ‘Starstruck’ finalists named

starstruck

IPINAKILALA na sa entertainment press ang “Starstruck 14” finalists.

Ang mga ito’y sina Migo Adecer, 15 years old, from Mandaluyong City; Avery Paraiso, 20, from Antipolo City; Klea Pineda, 16, from Caloocan City; Ayra Mariano, 17, from Bulacan; Liezl Lopez, 17, from Olongapo City; Koreen Medina, 20, from Laguna; Jay Arcilla, 19, from Laguna; Elyson de Dios, 16, from Cebu; James Teng, 17, from Bulacan; Joemari Nielsen, 20, from Tarlac; Arra San Agustin, 20, from Cavite; Princess Guevarra, 16, from Cavite; Kevin Sagra, 20, from South Cotabato at Analyn Barro, 18, from Bacolod.

Sa 14 finalists, si Migo ang itinuturing na big threat ng mga co-finalist niya. Pero kinontra ito ng ilang entertainment press. Hindi lang daw itsura at talent ang dapat maging basehan, kundi plus factor ang may kasamang suwerte.

Mukhang ang magiging setback ni Migo ay ang pagiging Inglisero niya. Nag-aral siya sa Sydney, Australia. Kung gusto niyang sumikat bilang artista, dapat ay matuto siyang magsalita ng Tagalog.

Aniya, noong nabigyan siya ng pagkakataong makapag-audition sa “Starstruck,” akala raw niya’y hindi niya kaya. Thankful siya sa mga taong nag-encourage sa kanyang subukan lang niya. Thankful siya na kasama siya sa Final 14.
“I’ll do my best,” he said.

Family issues

Inglisero rin si Joemari Nielsen. He was born in the Philippines. Noong seven years old siya, isinama siya sa Ireland ng kanyang stepfather. For several years, doon sila nanirahan.

Pagbalik nila sa Pilipinas, sa Tarlac sila tumira. Nag-aral si Joemari ng Marketing sa University of Tarlac City. Tumigil siya sa pag-aaral dahil nag-audition siya sa “Starstruck.”

My family issues si Joemari at aniya, nakatulong sa kanya ang mga pinagdaanan niyang problema para maging strong person siya na handang harapin ang mga challenge na darating.

“Now, I want to work hard so I can pursue the things that I am passionate about,” he said.

Commercial model

Commercial model si Ayra Mariano. Siya ’yung nag-walling at nag-dialogue sa isang beauty product ng “Bakit gano’n? Sinabon ko naman. Ayaw kuminis…”

Aniya, feeling blessed siya at thankful sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kanya na nakakapagbigay ng ligaya sa kanyang pamilya.

“Gusto kong i-share ang good vibes sa mga tao ngayong nabigyan ako ng pagkakataon sa showbiz. Naniniwala akong may magandang plano si God para sa akin,” saad ni Ayra.

Bukas ife-feature natin ang iba pang kasama sa “Starstruck” Final 14. Abangan kung sinu-sino sa kanila ang magniningning ang career at kung sinu-sino ang “nganga” sa larangang pinasok nila.

Napapanood ang “Starstruck” mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-“24 Oras” sa GMA. Hosts are Dingdong Dantes and Megan Young. Subaybayan ang journey ng “Starstruck” Final 14 hanggang sa grand finals kung saan ipapahayag ang Ultimate Male and Female Survivors.

comments